ES 1

43 0 0
                                    


An ordinary day for us sa SBA. Nasa East Bridge Park kami nina Callie and Skye at nagpapahangin. Nang biglang magsalita si Callie.

"Balita ko dito raw gaganapin yung basketball league laban sa kabilang school."

"Panigurado nandon si Aria. Diba siya yung team captain sa basketball team?" ani pa ni Skye.

Syempre, nandun yun. Siya ang star player sa SBA basketball team. Hindi rin naman maikakaila ang galing nito sa paglalaro ng basketball. Nilingon naman agad nila ako at nagtataka ko naman silang tinitigan.

"Crush mo pa rin ba si Aria, Kass?" pang-uusisa ni Callie.

Nabanggit ko kasi sakanila nung school ceremony namin na nagagandahan ako kay Aria. Totoo naman napakaganda nito while effortlessly delivering her speech. Pero I'm not attracted sakanya or sa kahit na sinong babae man yan.

"No. Correction, hindi ko siya crush. Rather than hinahangaan ko lang siya." pagpapaliwang ko. It's true. Pero parang hindi sila naniniwala sa sinabi ko.

"Crush and paghanga are both the same thing. Just admit it. You're not straight like you think you are."

"I'm a good Christian. Period." I said ending the conversation.

I really hate it when they rub it on my face that I'm not straight. I am straight. For pete's sake. Hindi ba puwede na humanga sa kapwa mo babae? Hello? Women empowerment. Di ata uso sakanila yun.

"Well, anyways, malapit na pala midterms. Nag-review na ba kayo?" pag-iiba ko ng topic.

"Hindi pa. Mamaya siguro mag-start na ako sa pagrereview." Skye answered. Tamo talaga 'tong dalawang 'to.

"Yan. Inuuna niyo pang pag-usapan yung basketball league. Hindi naman kayo kasali ron."

"Ano naman? Nandun naman crush ko." sabi ni Callie.

"Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo? Hindi ka talaga makakapasok sa langit niyan." pagbabanta ko.

"Gurl! As if naman gusto kong pumasok don?! Baka nga kay crush ko lang matikman ang langit." pahayag ni Callie sabay tawa.

Natawa rin si Skye sa sinabi nito habang ako naman ang natatakot para sakanila. Ayain ko nga magsimba minsan.

"At wag mo nang balakin na ayain ako na magsimba kase di rin ako sasama." dagdag pa niya.

Nagulat naman ako sa sinabi ni Callie parang nabasa niya yung iniisip ko. Hindi ko nalang masyadong pinansin yung sinabi niya at inaya na silang bumalik sa classroom.


Nang makarating sa classroom ay nakita ko si Aria na busy sa pagbabasa ng notes niya. I immediately greeted her.

"Hi, Aria." I smiled at her. She just bowed and replied a short "hi", smiled courtly before scanning through her notes again. Gusto ko pa sana makipag usap pero nahihiya naman ako. I decided na bumalik sa seat ko and mag-review nalang rin. I glanced at her and she was so focused sa ginagawa niya. Not minding the noisy environment.

"Hindi ka ba pinansin ng crush mo?" biglang tanong ni Callie. Nagulat naman ako at hinarap siya.

"Hindi ko nga siya crush. Ang kulit mo naman. I'm just befriending her." Nakakainis na ah. She just shrugged pero halatang di pa rin convinced sa sinabi ko.

Well, I don't care. I'm not convincing anyone to believe me. I know myself more than anyone knows me.

Sasagot pa sana siya nang biglang pumasok yung subject teacher namin para sa Applied Economics namin. Nagsimula nang mag lesson si Ma'am nang may mga grupo ng mga players na nagpaalam kay ma'am.

"Excuse me po, ma'am. Puwede niyo po ba i-excuse si Miss Pineda? May training po kase kami sa basketball and may excuse letter po na galing kay Coach." pagpapaalam ni Bailey na kasali rin sa varsity.

Nilingon ko si Callie na ngayon ay tahimik at nagkukunwaring may ginagawa. Tinitigan niya lang ako ng masama. Alam ko kase na Ex niya si Bailey. Pero pakiramdam ko ay may gusto pa rin siya rito kahit na siya yung nakipag hiwalay. Pero kung ano man yung dahilan ng hiwalayan nila. Sakanila nalang yun. Pina-excuse naman agad ni ma'am si Aria at nagpatuloy sa pagtuturo.

Tinitigan ko si Aria habang inaayos niya yung mga gamit niya at lumabas ng classroom. Ang kaninang cold expression nito ay napalitan ng ngiti nang makita yung mga teammates niya.

Time flew by and it's already four pm kaya nagugutom na ako. Inaya ko sina Callie and Skye pumunta ng cafe sa school para kumain and gumawa ng assignments at magreview na rin. Agad naman na pumayag ang dalawa basta raw libre ko. I had no choice kaya pumayag nalang ako. I hate eating alone.

"Sa basketball court tayo dumaan ah." Callie instructed us. Tiningnan ko siya and inirapan niya lang ako. "No, mali ka ng iniisip. Shortcut kase yun papuntang cafe and andun yung crush ko."

Sasabihin ko na sanang, si Bailey. Pero naunahan ako ni Skye. "Crush mo na si Bailey. Ah okay. Gets." pang-aasar nito. Natawa naman ako kase parang may usok na lumalabas sa ilong ni Callie sa sobrang inis at iniwan kami ni Skye. Agad naman namin siyang sinundan at kinulit kaya nag-aasaran kami.

Napadaan kami sa library kaya nagpaaalam muna ako saglit sakanila na may hihiramin lang ako na libro at mauna na sila. Pagkapasok ko sa library ay agad akong dumiretso para maghanap ng book about literary history. While scanning may isang libro na nakaakit ng attention ko at kinuha ko agad ito. It was a book about Accounting. Binuklat ko yung libro and may nakita akong maliit na papel na may nakasulat na

'You see, it's accrual world out there but I'm more than willing to invest in you.'


Natawa naman ako sa sulat na iyon at naisipan ko na lagyan ng comment yung sulat. Agad akong kinuha yung ballpen ko na pink at pumunit ng pirasong papel. Gusto ko lang pagtripan yung nagsulat nito. Anong taon na. Nineties kopong-kopong pa uso yung mga ganyan ah.

'Ang cheesy mo naman. Anong era ka ba pinanganak? Hindi ba uso sayo twitter at facebook? Sa libro talaga'

Natatawa nalang ako sa taong 'to. Pagkatapos na sumulat ay binalik ko yung ballpen sa bulsa ko at sinuksok yung papel na pinagsulatan ko sa kung saan ko nakita yung papel na may sulat. Saka binalik ang libro sa kung saan ko ito nakuha kanina. Pinagpatuloy ko ang paghahanap sa libro na gagamitin ko.

Erosapphic [On-Going]Where stories live. Discover now