ES 5

24 0 0
                                    

Lumingon ako sa side nina Aria. I caught her staring at me. And she didn't break eye contact. Naalala niya kaya yung tinanong niya sa akin kahapon? Sana naman hindi. Baka nabigla lang siya kahapon o baka naman nadala lang ng emosyon. Baka connected rin sa pag-uusap nina ni Rei.

Oo, ganun na nga.

Ako ang unang umiwas ng tingin at bumaling kay Dale na ngayon ay nakikipag tawanan kina Callie at Skye. Tiningnan ko ulit siya pero sa pagkakataon na 'to di na siya nakatingin. Binabawi ko na sinabi ko baka namalikmata lang ako.


Bigla namang dumating yung adviser namin para sa homeroom.


"Good morning, class. Before kayo mag start sa first subject ninyo this morning. May ipapakilala muna akong bagong kaklase. Miss Sanchez." paninimula ng adviser namin.


"Good morning, everyone. My name is Georgianna Dale Sanchez. You can call me Dale nalang. My pronouns are she/they and also I'm/gay." Nagtawanan naman yung mga kaklase ko sa pagpapakilala nito sa sarili.


"And I'm a lesbian." Proud niyang pag-aanunsyo.


Dale is also attractive. Sabi pa nga niya she's a "masc" daw. Eh hindi ko naman alam kung ano yun. Sabi niya pa it's a gay term for someone who shows masculinity over femininity. Well, explains kung bakit ganon vibes niya.


Masculinity is all over her vibes most of the time. Kaya di na ako magtataka pag maraming magkakagusto na babae sa kaibigan ko. Buti nalang at nalampasan na nito ang takot sa public speaking. Dati kasi ay mahiyain at halos ako lang talaga yung kinakausap niya. At out na rin siya sa family niya kaya malaya na niyang nasasabi yung sexuality niya na hindi natatakot.


Naalala ko pa nung nag out siya sa family niya andon ako sa tabi niya. Para daw hindi siya kabahan at kung ano man yung mangyari may kakampi siya. At matagal na palang napansin ni Tita. Hinihintay niya lang na umamin si Dale. Basta daw kung saan masaya si Dale ay suportado siya ng parents niya.


"That's all. And I hope we could all be friends."


Saka naglakad pabalik sa tabi ko. Nasa pinakalikod naman pwesto namin kaya may vacant seat pa. At bigla siyang humarap sakin at hinawakan niya yung kamay ko.


"Grabe, kinabahan ako ron. Ramdam mo? Ang lamig ng kamay ko." sabay hawak sa kamay ko. Napatango ako kase ang lamig talaga ng kamay niya dagdag pa na yung aircon sa classroom is ang lakas.


Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya para mabawasan ang kaba na nararamdaman nito nang magsalita si Callie.


"Ay! Ano yan? Pasimple ka Dale ah. Gusto mo lang talaga hawakan kamay ni Kassia. Para namang di ka kinakabahan kanina habang nagsasalita."


Pinaniningkitan niya kami ng mata at ako naman ay inirapan siya. Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to. Lahat nalang may malisya.


Binawi ko yung kamay ko na nakahawak kay Dale at umayos na nang upo. I caught Aria once again staring at me na naka-kunot ang noo. I smiled at her. And she gave me her usual reserved na smile.


"Huy! Kas, ayus ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Dale. I just gave her a nod.


Bakit kaya kanina niya pa ako tinititigan? I want to ask her. Dahil kaya 'to sa naging tanong niya nung huli? Ano kayang ibig niyang sabihin don? Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko. Nag-ooverthink na naman ako.


"Ah, ayus lang ako. Makinig na tayo."


"Sigurado ka?" Tango lang naging sagot ko sakanya kasi nagtataka pa rin ako. Nagpaalam na ang adviser namin at binilinan kami na wag mag iingay at hintayin yung subject teacher namin na dumating.


Erosapphic [On-Going]Where stories live. Discover now