ES 3

23 0 0
                                    




Umupo siya sa tapat ko na bakanteng upuan at naglabas ng papel at ballpen sa bagpack niya. She really looks stylish sa suot niya ngayon. Bagay rin naman sakanya yung uniform sa school pero I like her get up ngayon napaka masculine ng vibes. I want to compliment her pero nahihiya ako. I can smell the expensive perfume na gamit niya. She brushed her hair gamit yung yung kamay niya. I shrugged off those thoughts and focused on working sa activity namin. Yun yung purpose kung bakit andito kami. Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari sakin. I feel like I'm cast under a spell everytime I'm around her.



"Mag start na tayo para maaga tayong matapos. So, bale ang gagawin natin is salitan tayo ng mga tanungan. Ako unang magtatanong pagkatapos ko ay ikaw naman. Kung anong sagot natin isummarize nalang para di na masyadong mahaba."sabi ko.



Gusto ko na agad matapos 'to at ayoko na magtagal pa na magkasama kami dito. Parang bang may something sakin na diko maintindihan. At hindi ko iyon nagugustuhan.


"That's exactly what I'm explaining awhile ago. You're not listening, Kassia", kalmadong sabi niya.



Shucks! Kanina pa pala siya nagsasalita hindi ako nakikinig. Nakakahiya. Ano ba kasi nangyayari sakin?




"I'm really sorry, Aria. Galit ka ba?"



I just wanted to confirm na hindi siya galit sa pagiging distracted ko. She just gave me an assuring smile and said, "I'm not mad. Sinabi ko lang kasi parang wala ka sa sarili mo kanina."


I sighed out of relief sa sinabi niya. Buti naman at hindi. Hindi na niya pinansin masyado ang nangyari kanina at pinagpatuloy ang pagsusulat sa papel niya.


"Sige na. Let's start." sabi niya. I nodded as an answer and I started throwing questions about herself.


"What's your favorite food?"I asked.


Sinimulan ko muna sa mga hindi masyadong personal na tanong para di siya mailang.


"Pizza." And nagsalitan lang kami sa tanungan.


We were doing our activity when her phone vibrated sa table. Hindi ko naman sinasadyang makita yung screen kaya alam ko kung sino yung tumatawag.



"Rei."


She answered the phone call, glanced at me and walked away. Nagtataka ko naman siyang sinundan ng tingin.


So, she's still in contact with her ex-girlfriend.


Reiko Dennise Hyde, a famous volleyball player sa school namin. Like Aria, sikat rin siya sa school. Nung naging sila ay di na sila mawala lagi sa spotlight na pinag-uusapan ng mga estudyante. Bagay daw sila. Sporty silang parehas. Marami ngang sumusuporta sa relationship nila sa school lalo na yung mga malalapit sakanila. Kaya nung naghiwalay sila, marami rin yung nakaalam at usap-usapan yung hiwalayan nila.


I don't know if totoo bang naghiwalay na sila kase marami pa ring nakakakita sakanila na magkasama. Tapos ngayon naman ay tumatawag si Reiko sakanya. Para namang may punyal na tumutusok sakin dahil sa nalaman ko.


Pero ano bang paki ko? Bahala sila sa buhay nila. I don't like meddling sa mga ganyan. Wala namang magandang maidudulot sakin yan.
Hindi ko nalang masyadong pinagkaabalahan pa iyon at pinagpatuloy ang pagta-type.


After some time, she returned sa kinauupuan niya kanina and bumalik kami sa activity namin. There's a sudden change sa expression niya. Para bang naiirita. Should I ask kung ano yung nangyari or manahimik nalang ako?


Erosapphic [On-Going]Where stories live. Discover now