ES 2

25 0 0
                                    

Weeks had passed and everything is going smoothly lalo na sa mga subjects namin. Sabi pa ng isang subject teacher namin lubusin na raw namin ang masasayang araw ng pag chill kase sa second semester na raw ang totoong madugong laban kase mai-encounter na raw namin yung mabibigat na subjects.


Core subjects and may isang Major subject naman which is applied econ na madali lang. Yun pa lang kase tinitake namin kaya medyo madali lang kahit papaano.


Pagkalabas ng subject teacher namin ay agad kong nilingon sina Callie and Skye na mukhang stressed na yung mukha kase hindi pa nga raw tapos yung essay sa Reading and Writing may pinapagawa na naman sa Komunikasyon at Pananaliksik.


"Mababaliw na ata ako dahil sa mga essays na 'to. Magagamit ko ba 'to pag nag accounting ako?"pagrereklamo ni Callie.


While, me on the other hand, is writing down notes para may pang review ako. Ayoko na mahuli sa kahit na anong subjects. I need to maintain my grades. Tiningnan ko nalang si Callie at napailing nalang sa sinabi niya.


"By the way, anong next subject natin?"pagtatanong ko.


"Personal Development." sagot ni Skye. Tumango ako and pinagpatuloy ang pagsusulat while hinihintay yung next subject.


Minutes later ay dumating na yung PerDev teacher namin. After a brief greeting ay nagsimula na si ma'am,


"So before we start the discussion proper about knowing ourselves. We'll be having an activity, which is by pair. And this will be your assignment."


"Ma'am, kailan ang deadline? This activity will be submitted to me next week. Any violent reaction? Walang reklamo?"dagdag pa nito. Walang nagsalita kaya naman pinagpatuloy na ni ma'am ang pag-assign sa pairs.


"Dahil walang violent reaction, I'll announce yung magiging pairs or kapartner ninyo para sa activity na 'to." At isa-isa na niyang inannounce yung mga pairs sa activity.


"And the last pair will be, Pineda and Hamilton."she smiled after the announcement while I was left dumbfounded by the pairing. Tama ba pagkakarinig ko? As in si Pineda, Zaqaria? I was shocked and happy at the same time.


"Swerte mo naman, . Kapartner mo yung crush mo."Callie said. Inirapan ko nalang siya at pinagpatuloy ang pakikinig sa teacher namin sa harap. Baka kase pag pinatulan ko 'to mas lalo niya pang isipin na may crush talaga ako kay Aria. Which in my defense, wala naman talaga. Purely, paghanga lang.


I glanced at her. Pano kaya namin matatapos 'tong activity na 'to without feeling awkward. And hindi naman kami ganun ka-close. Baka isama ko nalang si Skye pag nagkita kami para naman hindi masyadong awkward. She glanced at me and smiled.


Nagulat naman ako sa pag-ngiti niya sakin. Ang attractive ng smile niya. No wonder maraming babae sa school ang nagkakagusto sakanya. Smart and Sporty plus napaka-attractive pa. Mag-wave pa sana ako nang bigla siyang pumihit paharap at dismayado naman ako nang di na siya lumingon sa direction ko ulit.


Uwian and diko na rin namalayan yung oras kasi sobrang nakakapagod talaga yung klase.


"Kassia, right?" I turned my head and I saw Aria approaching me. I didn't expect this first move but this is great kase hindi rin ako marunong mag first move.


"Hi, I'm Aria. I'll be your partner sa activity."she extended her hand kaya naman I immediately accepted it.


"Yeah, I know you. Obviously. We've been classmates since grade 7."


Para bang may kuryente na dumaan nung nahawakan ko yung kamay niya. Ang lambot ng kamay niya.


Halata bang kinakabahan ako. I don't know how to act. Nagpapanic na ako. Ano sasabihin ko? I feel like a robot na nag malfunction after nung small interaction ng palad namin na yun.


"Can I suggest sa meeting place natin? I was planning na magkita nalang sa Maple Hills Cafe tomorrow or Sunday. Anytime you're free so that we could finish early."sabi nito.


She's wearing her attractive smile and I feel like my whole system ay nagwawala.


Please, somebody, help.


"Yeah, sure. I'm fine naman kahit s-saan."


I feel so dumb. Did I just stutter? Naiinis na ako sa sarili ko. I just have this urge na sabunutan sarili ko out of frustration. But I kept my temper.

>>>•>>>•>>>•<<<•<<<•<<<


Kinabukasan ay maaga ako gumising para magprepare para sa lakad ko mamaya. Napagkasunduan kasi namin na ngayon nalang gumawa may training raw sila sa basketball bukas. Tinext ko muna si Skye para magpasama sa lakad ko mamaya.

Kass:

Skye!

Samahan moko mamaya. Magkikita kami ni Aria para sa activity. Ang awkward na kaming dalawa lang magkasama.

Skye:

Ay Hala! Ngayon rin kase namin gagawin yung activity eh. I'm very sorry, Sia. Try mo si Callie.

Kass:

Ah ganun ba. That's fine.

Skye:

I'm really sorry talaga.

Kass:

Ayus nga lang. Kita nalang us sa Monday mwa.
Seen


Ayuko isama si Callie baka asarin lang ako nun the whole time. Mapahiya pa ako kay Aria. Hindi ko nalang inalintana ang mangyayari mamaya. Bahala na nga.


Mga ala 1 ay nagbihis nako. I wore my favorite lavender colored dress and hinayaan lang na nakalugay yung buhok ko. Nagsuot rin ako ng doll shoes na terno sa suot ko na dress. Bumaba nako at nadatnan ko naman si mom sa sala.

"Mom, alis nako. Gagawa lang kami ng activity." pagpapaalam ko.

"Mag ingat, Kassia. Wag magpapagabi." pagpapaalala ni mom. Tumango lang ako and umalis na.


Hindi naman talaga mahigpit sina mom and dad sakin eh. Basta alam ko lang yung limitations ko and sumusunod ako sa curfew wala raw yung problema. At di naman ako pasaway na anak kaya malaki yung tiwala nila sakin. Hindi pa ako marunong mag drive at wala pa akong lisensya kaya nag commute nalang ako.


Pagkadating ko ay nag-order ako ng isang piece ng chiffon cake at iced coffee para may nginunguya ako habang nag-aantay. Hinanda ko na rin yung gagamitin ko na pen, paper pati laptop ko. Eto lang nadala ko nagmamadali nako kanina eh. Pano ba naman kase nakaidlip ako habang naghihintay na mag hapon na.


"Kassia."


Inangat ko yung paningin ko and I was mesmerized at Aria. She was boyishly handsome with her two buttoned down black polo shirt and pants with matching white shoes. She's also wearing glasses too. Para siyang girl hearthrob sa get up niya ngayon. This girl is hella fine.


Tumikhim siya para kunin yung attention ko. Nailang naman ako sa pagtitig ko sakanya at umiwas ng tingin.


Ano ba nangyayari sakin?!

Erosapphic [On-Going]Where stories live. Discover now