Zahira Hernandez:




Happy birthday.

Thank you.

Why are you still up?

I yawned. Inaantok na ako pero heto't nakatitig pa rin sa screen ng cellphone ko. Still waiting for her to read my message at pati na rin ng reply niya. She's still active, may bilog na green pa rin sa pangalan niya.



"Edi, 'wag ka magseen. Ano ka, gold?" Inis na sambit ko at itatapon na sana ang phone ko sa paanan ko nang muli itong tumunog kaya agad ko iyong tinignan.




Today
zahira.hernandez, aldrich_butnotrich, and 9,456 liked your photo. 10s




Tila may sariling utak ang mga labi ko at kusa itong ngumingiti. Simpleng paglike lang ni Zahira sa picture ko ay iba na ang binibigay na kilig no'n sa akin. Malala na itong nararamdaman ko. Wala namang masama kung mas lumalim pa ito. Zahira is my wife, kasal na kami, siguro ay panindigan ko na lang siya at itong nararamdaman ko. I shook my head. Bahala na nga.




"Happy birthday, Ate Ember!"





Tumatakbong lumapit sa akin si Zeirah habang hawak niya ang isang maliit na box, I think it's a gift. Nang makalapit siya ay mahigpit siyang yumakap sa akin. Bumaba ako para mayakap ko rin siya. She kissed me on the cheeks bago siya lumayo sa akin.




"I have a gift for you, Ate Ember. I made it myself. Open it." Excited na sambit nito sa akin at iniabot ang box na hawak niya.




It's just 6am pero iyong energy ni Zeirah ay sobrang taas na. Pumunta sila rito sa bahay para sunduin kami. Sabay-sabay kaming pupunta sa beach resort nila Peter. Even Zahira's family are here. Tama nga si mama, lahat sila ay pupunta.




Binuksan ko ang regalo sa akin ni Zeirah. Natuwa ako nang makita iyong isang papel na may drawing. It's a simple drawing na halatang si Zeirah ang gumawa.




"That's you," sambit ni Zeirah at tinuro ang kulay violet na stick sa gilid, "this is me in the middle and this is Ate Zahi." Tila proud na proud pa ito.




Hindi masyadong halatang tao iyong nasa drawing. Zeirah is just 2 kaya nama'y naiintindihan ko iyon. Sa katunayan ay mas natuwa pa ako dahil sa effort niya. Ang cute niya talaga. Nilagay pa niya ito sa box para mas magmukha talagang presentable ang regalo niya.





"Oh, it's so cute. Thank you, Zei-zei." I was touched kaya muli ko siyang niyakap, binigyan ko rin siya ng halik sa magkabilang pisngi niya.




Nang muli kong maibalik ang drawing ni Zeirah sa loob ng box ay tumingin ako sa direction ng family ko at ni Zahira na nasa malapit sa sasakyang gagamitin namin. Napansin kong they are all looking at us, maging si Zahira pero kalauna'y nag-iwas sila ng tingin nang mapansing sakanila na ako nakatingin. Napilig ko ang ulo ko at pinagsawalang-bahala iyon.




"Happy birthday, Ate Ember," my brother and Zahira's brother greeted.




"Happy birthday, hija." Sunod-sunod na bati sa akin nga mga parents namin at nakipagbeso.




"Thank you po," sambit ko na lang.





Sumakay na kaming lahat. Pumwesto ako sa gilid malapit sa bintana, sa tabi ko ay si Zahira na kanina pa walang imik. Ang layo ng datingan niya ngayon sa pagiging prof. She's wearing a white v-neck t-shirt na naka-tucked-in sa suot niyang faded blue jeans, nakaputing sapatos lang din siya, at nakasuot ng cat eyes shape na sunglasses. Ang simpleng pormahan pero ang bilis makakuha ng tingin.





Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon