CHAPTER 38

15.1K 746 253
                                    

House Rules

TOTOO nga ang sinabi ni Kuya Presto. Nandito nga ang amo niya. Namataan ko ang dalawang sasakyan pagkababa ko rito sa groundfloor. 'Yong isa ay Wrangler na kulay itim, mukhang nando'n si Puppy sa loob. 'Yong isa naman ay Tucson, mukhang iyon ang ginagamit ni Kuya Presto.

"Ma'am Divine, bakit hindi pa kayo pumapasok sa sasakyan?" untag ni Kuya Presto. Hila-hila niya ang dalawang maleta ko at nakasabit naman sa balikat niya ang isang maliit na bag din.

"Ako na po sa isa, Kuya."

"Ay, ako na po. Pumasok na po kayo sa sasakyan."

Nagpatiuna naman ako. Binuksan ko ang Tucson pero hinarangan ako ni Kuya.

"Doon po kayo kay Sir sasabay. Ako lang po rito."

"Po? E malaki pa naman ang space. Saka kasya naman sa compartment ang dalawang maleta. Wala naman pong uupo sa backseat at sa passenger seat sa harap."

Napakamot lang si kuya saka iminostra ako sa nakarapadang Wrangler. Gusto ko pa naman sanang umiwas muna ngayon kay Puppy para palamigin ang ulo niya. Baka kasi bigla na naman siyang mambulyaw kapag nakita niya ako.

Wala na akong nagawa nang pinagbuksan ako ni Kuya Presto sa harap. Alanganing pumasok ako saka nagpasalamat sa kanya.

Agad na nanuot sa ilong ko ang amoy ni Puppy pagkapasok ko. Nakasuot siya ng aviators kaya hindi ko alam kung nakatingin siya sa akin. Bagay na bagay sa kanya ang itim na polong nakatupi hanggang sa siko niya. Ano kayang meron sa kanya ngayon? Itim ang sasakyan, itim ang polo, naka-dark pants din. Pero infairness naman, kahit mula sa malayo siya titingnan ay mukha siyang mabango at mamahalin.

"Seatbelt," tipid na sabi niya. Diretso lang sa harap ang kanyang mga mata at nakasampay naman sa manibela ang dalawa niyang kamay.

Agad ko namang inayos ang pagkakaupo ko saka ikinabit ang seatbelt. Parang hindi ko pa maikabit iyon nang maayos dahil bumibilis na naman ang pagtibok ng puso ko. Kinakabahan ako na baka may masabi na naman akong mali na ikagagalit niya.

Gusto ko sanang itanong kung bakit pa nila ako sinusundo, e marunong naman akong pumunta roon nang mag-isa. Kaya lang nakaka-intimidate ang presensya niya.

Nagkunwari na lang akong nakatingin sa labas. Sinilip ko rin si Kuya Presto mula sa bintana. Mukhang naipasok na niya ang mga maleta ko sa sasakyan. Nakapasok na rin siya sa driver's seat. Ibinaba ni Puppy ang bintana sa gilid niya at sumenyas sa butler na mauna.

Ano kaya ang pumasok sa isip ng amo namin at siya pa talaga ang nagsundo sa 'kin? Baka naman pati itong service ay pababayaran niya pa sa akin? Hindi ko naman hiniling na sunduin niya ako. At saka baka wala na akong sasahurin kasi puro na lang kaltas. Isang linggo pa nga lang ako sa trabaho.

May pinindot siya saglit at pumainlang ang kanta ng Westlife. Medyo nakahinga ako nang maluwag. At least may kaunting ingay na. Ang awkward kasi ng katahimikan. At mukhang wala rin siyang balak na kausapin ako. Kulang na lang ay iisipin kong labag sa loob niyang sunduin ako.

Nagsimula siyang magmaneho pero parang hangin lang sa kanya ang presensya ko. Hindi man lang niya ako tiningnan. Bumuntonghininga ako saka sumandal sa headrest. Kinuha ko na lang ang earphones ko sa loob ng shoulder bag saka ikinabit iyon sa cellphone. Nagpatugtog din ako ng music para feeling walang pakialam ang peg ko.

Mga kalahating oras din bago namin narating ang harapan ng Spire Towers. Nauna siyang bumaba at umikot. Pero bumaba na rin ako bago pa man niya ako pagbuksan. May isa pang butler na lumapit. Sinalo nito ang susi kay Puppy Gaston.

"Let's go."

Tumango ako. Mula pa kanina sa apartment ay nakaapat na syllables pa lang siya. Ang tipid niya masyadong magsalita. Buti nga nakarating kami kaagad kundi ay baka napanisan na ako ng laway.

Against the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon