CHAPTER 18 (revised)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hey, move." narinig ko pang sabi ni Matt sa dalawa. Teka. Kakasya ba kaming apat dito?


"Bakit ba kasi isang sasakyan lang maghahatid sa atin doon? Paano pa't may kanya kanya tayong sasakyan?" angal ko na nakatayo pa rin sa labas ng sasakyan. Halata namang hindi na ko kasya doon.


"Para hindi kayo makagawa ng eksena." sabat ni kuya na nasa likod ko pala. Muntik na kong pumasok agad agad sa loob ng sasakyan kahit pa hindi kami kasya kung hindi ko lang siya nakilala sa boses niya.


"Kaya tama na angal. Sakay na." aiiishh ! Makapag utos ! ARGGH!


Nagwave pa ng goodbye ang malokong kuya ko nung lingunin ko siya. TSS! Manang mana !


------------------------


[Ricardo's POV]


"Nakaalis na ba silang apat?" tanong ko sa matapat kong butler na si Joseph. Huminga ako ng malalim sa pagtayo mula sa kinauupuan kong swivel chair.


Tinanaw ko ang sariling kong lupain mula sa opisina.


"Opo lolo. They're on their way as you said." narinig kong sabi ng butler ko sa kin bagama't hindi ko masyadong napagbigyang halaga.


"Salamat." bahagya lang kong humarap sa kausap. Madalas nang problema sa akin ang aking pandinig. Marahil dahil nga ito sa katandaan.


Sana lang bago pa ko mawala ay magkakilala kami ng maayos ng aking apo.


 "Sigurado ho ba kayo sa desisyon niyo? Tingin niyo po ba ay handa na sila?" magalang na tanong ni Joseph sa akin. Huminga ako ng malalim saka ko siya tinignan.


"Ikaw? Tingin mo ba, tama ang ginawa ko?" pagbabalik ko sa kanya ng tanong. Dahil maski ako rin ay hindi ko alam kung tama ang desisyon ko pero isa lang ang gusto ko. Ang maproteksyunan ang apo ko sa mga kaaway sa paligid.


"You should know." sabi ko sa butler ko nang makita ko ang pagiling niya. Matagal na siyang naninilbihan sa akin pero lagi paring kung ano ang sinabi ko yun din ang tama para sa kanya.


"Pasensya na po, Lolo." pormal niyang paghingi ng paumanhin. Kahit kaylan talaga'y naging magalang ang pakikitungo niya sa akin. Hindi ako nagkamali ng pagpili sa kanya.


Simula palang ng mamatay ang ama nila ni Geoff ay kinuha ko na sila at inampon. Hindi ko man alam kung ano ang kakayahan niya ay pinagkatiwalaan ko pa rin siya. Gaya ng pagkakatiwala ko sa kanilang ama.


Malaki ang utang na loob ko sa ama nila kaya pinangako kong hindi ko sila pababayaan. Sa paglipas ng panahon na nasa puder ko sila, nagawa ko na rin silang mahalin na parang tunay na mga apo.

The Heartthrob's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon