TAMPO
Bakit ka ganiyan?
Nagtampo lamang ay hindi mo na kinibuan.
Sumama lang ang loob ay hindi mo na kinausap.
Ganiyan ba kahirap ang humingi ng tawad?Dahil lamang sa iyong pagkakamali ay tatalikod ka.
Magiging duwag at hindi haharapin ang katumbas ng nagawa mong kasalanan?
Palagi mo nalang iniiwasan ang mga pagkakataon na
Maari mo pang maayos ang mga bagay na iyong pinakainiingatan.Ganun-ganun nalang ba iyon?
Palagi ka nalang tatakbo? Tatalikod
O hindi kaya ay magtatago?
At ibabaon ang lahat sa limot.Bakit hindi ka bumalik
At humingi ng tawad upang muli
Pag-usapan ang iyong nagawang pagkakamali?
Naghihintay lang naman ako sa iyong muling pagbalik.—Writer_Lhey✍️
YOU ARE READING
Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)
PoetryIto ay antolohiya ng mga tula na tungkol sa pagmamahal, pagkasawi, pagpapaubaya, pagpapalaya at paghilom. Ang bawat pagpatak ng luha ay may katumbas na isang tula. Nawa'y magustuhan at maantig ang puso niyo sa mga tulang ito. Magawa sanang mayakap a...