Walang Pamagat
Buong buhay ko palagi nalang akong sinasaktan
Nasasaktan rin ako kahit sa maliliit na bagay
Sobrang hina ko kaya wala akong ibang magawa kun'di ang umiyak
Pakiramdam ko mag-isa lang ako at walang kakampi sa buhay.Sobrang dilim ng daang tinatahak
Muntik na akong maligaw
Buti nalang mayroon akong ikaw
Na nagsilbing ilaw kaya nawala ang aking pangamba.Ito na ba ang pag-asang aking ipinagdarasal?
Ito na ba ang pagmamahal na pinagkakait sa akin ng matagal?
Hindi ko inasahan ang iyong pagdating dahil sanay ako sa dilim
Sanay akong mag-isa at walang kapilingMatatanggap mo kaya kahit pangit ang aking sinapit?
Ayos lang ba sa'yo kung nakaraan ko'y hindi kanais-nais?
Paano kung bubuksan ko ang puso't ikaw ay patuluyin
Hindi mo ba ito lilisanin kagaya ng ginawa nila sa akin?Sobrang daming katanungan ang bumabagabag sa akin
Kinakabahan, natatakot pero gusto kitang mahalin
Sa pagkakataong ito, hindi na ba ako magkakamali?
Baka kasi sa huli, ako ay bigo pa rin?
أنت تقرأ
Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)
شِعرIto ay antolohiya ng mga tula na tungkol sa pagmamahal, pagkasawi, pagpapaubaya, pagpapalaya at paghilom. Ang bawat pagpatak ng luha ay may katumbas na isang tula. Nawa'y magustuhan at maantig ang puso niyo sa mga tulang ito. Magawa sanang mayakap a...