HALIK
Pwede akong bumalik
Kung saan ang huling halik,
Pero hindi na maibabalik
Pagsasama natin na kasabiksabik.Pipiliin ko nalang humiling
Na sana ikaw ay nasa mabuti
Dahil hindi na ako pwedeng bumalik
Hindi na rin aasa sa iyong pagbabalik.Sinubukan ko namang ipilit,
Ayusin at muling buuin
Pero parang sa natanggal na pandikit;
Hindi na maibabalik ang dating kapit.Kaya ito na ang huling pagbitiw.
Magiging alaala nalang ang huling halik
Na pinagsaluhan natin sa gabing malamig
Kasi hindi na maibabalik ang ganoong sandali.
आप पढ़ रहे हैं
Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)
कविताIto ay antolohiya ng mga tula na tungkol sa pagmamahal, pagkasawi, pagpapaubaya, pagpapalaya at paghilom. Ang bawat pagpatak ng luha ay may katumbas na isang tula. Nawa'y magustuhan at maantig ang puso niyo sa mga tulang ito. Magawa sanang mayakap a...