BAWAL BA?
Bawal na ba akong magsabi ng nararamdaman?
Bawal ko bang humingi ng pahinga,
Ng konting panahon para huminga?
Bawal bang hilingin kong maging masaya?Kotang-kota na kasi ako sa mga luha't sama ng loob na naipon ko.
Kotang-kota na ako sa pag-iistorbo sa mga taong hindi interesado sa kwento ko.
Kotang-kota na akong magpaliwanag ng mga dahilan kong hindi tama para sa inyo.
Kotang-kota na ako sa sakit na binibigay sa akin ng mundo.Simple lang naman ang gusto ko eh,
Ang mahanap dito sa liblib na silid,
Ang marinig ang munti kong hikbi,
Ang masabi ang mga bagay na nasa aking dibdib.Gusto ko lang naman sabihin na nasasaktan na ako,
Gusto ko lang naman sabihin na napapagod rin ako,
Gusto ko lang rin naman sanang pakinggan ang mga paliwanag ko
Kung bakit ako ngayon ay nagkakaganito.Mali bang hilingin ang mga bagay na ito?
Mahirap bang intindihin ang nais ko
O ang katulad ko?
O ang mga bagay na gustong sabihin ko?Kailangan ko ng sagot,
Malinaw na sagot,
Sagot na sa akin magsisilbing gamot
Para magawa kong makabalik sa dating ako.—Writer_Lhey✍️
YOU ARE READING
Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)
PoetryIto ay antolohiya ng mga tula na tungkol sa pagmamahal, pagkasawi, pagpapaubaya, pagpapalaya at paghilom. Ang bawat pagpatak ng luha ay may katumbas na isang tula. Nawa'y magustuhan at maantig ang puso niyo sa mga tulang ito. Magawa sanang mayakap a...