NALITO
Dedicated to SaddygirlllSiguro kung bibilangin ko ang pagkakataon
Kung ilang beses kong pinag-isapang isuko ang pag-ibig na ito,
Baka abutin ako ng siglo sa tagal ng pagproseso
Ng utak ko, kung tama bang bumitaw na sa'yo?Kasi matagal na akong nahihirapan.
Hindi naman dapat ganito kapag nagmahal diba?
Hindi dapat pangamba kundi maginhawa,
Hindi dapat napapagod sapagkat ikaw ang pahinga.Pero bakit naabot na natin ang dulo,
Nahanap ko na kung saan ang paghinto?
Maari ka nang lumiko o hindi kaya ay iwanan ako
Alam ko. Hinihintay mo lang na magpasya ako.Ito na. Tapos na. Dulo na ito ng pahina
Ng ating kwento pero simula ng panibagong tula
Kasi kahit ganito ang aking ginawa ay ayaw pa rin kitang mawala
Gusto kong maayos pa natin ang lahatNgunit hindi na maisasalba ito.
Alam ko namang mas sasaya ka kapag hindi na ako
Kasi dama kong wala ka namang nararamdamang totoo.
Minsan ka lang ring hindi naging sigurado at nalito.
YOU ARE READING
Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)
PoetryIto ay antolohiya ng mga tula na tungkol sa pagmamahal, pagkasawi, pagpapaubaya, pagpapalaya at paghilom. Ang bawat pagpatak ng luha ay may katumbas na isang tula. Nawa'y magustuhan at maantig ang puso niyo sa mga tulang ito. Magawa sanang mayakap a...