Chapter 48: The Wedding

Start from the beginning
                                    

          But nevertheless, I'm happy for Viel and Hanna. I'm sure Hanna will be thrilled to see the greatest surprise yet in her life.

Hanna's P.O.V

 

 

          Pagdilat ng mata ko hindi ko nakita si Viel sa tabi ko.

          'Saan kaya sya nagpunta?' sa isip ko.

          Napatingin ako sa may wall clock. 7:00 a.m. Ang aga pa ah? Saan kaya nagpunta yung tao na iyon.

          "Tao po!"

          Nakarinig ako ng mahihinang katok sa may pinto. Agad akong bumangon at pinagbuksan ang kung sino mang kumatok sa akin ng ganito kaaga.

          "Renji?!"

          "Good morning Mama Hanna!" ^______________^

          The way he smiles, it's suspicious.

          "Ano kailangan mo?"

          "Nuod ulit tayo ng movie!"

          "Huh? Hindi ka pa ba nagsawa kahapon?"

          "Hindi pa eh! Anime naman yung panuorin natin!" nakangiti pa ding sabi nito saka nito inilabas yung itinatago nito sa may likuran nito.

          Nanlaki ang mata ko sa nakita ko at agad kung kinuha iyon sa kamay nya.

          "Wow! Swords Art Online! Matagal ko ng hinihintay 'to!" tuwang-tuwang sabi ko.

          "Nagustuhan mo ba? Aba dapat lang! Imported pa yan straight from Japan. Kakapadala lang nyan kanina dito."

          "Tara! Panoorin na natin!" sabi ko saka pinapasok si Renji sa loob ng cottage namin ni Viel.

          At hanggang sa lumipas ang napahabang oras at hindi ko namalayan na hapon na pala.

          "Grabeng ganda! Kabitin! May season 2 pa ba 'to?" tanong ko sa kanya habang iniistretch ko yung katawan ko.

          "Ay oo meron!" sabi nito. "Actually nasa may labas na yung season 2 nyan! Kunin ko na ba?"

          "Sige! Sama na din ako!"

          Renji smiled at me. Nakakaloko pa din yung pagngiti nya. At napapansin ko na kanina pa ito may katext at katelebabad sa phone.

          'Girlfriend nya siguro.' sa isip ko.

          "Kung sasama ka, dapat nakablindfold ka."

          "Huh?!"

          "Para susprise! Para panggulat! Tapos bomb! Bongga!"

          Natawa ako sa paraan ng pananalita ni Renji kaya pumayag na din ako sa pagbiblindfold nya sa akin.

          Then inalalayan nya ako sa may isang lugar.

          "You should change your clothes first." sabi nito.

          "H-Huh?!"

          "Miss Hanna!" masayang bati sa akin ni Nozomi at Rina.

          Tinanggal ko yung blindfold ng mata ko nang marinig ko sila.

          "May regalo kami sa'yo ni Nozomi." nakangiting sabi ni Rina.

My Ex, My ProfessorWhere stories live. Discover now