Hindi ko alam pero parang nawala iyong inis ko kay Pam. Hindi ko man alam ang rason ng pag-iyak niya, kung iyon nga ba talaga o may mas malalim pa ay hindi ko na inalam. All I know ay kailangan niya ako ngayon, kailangan niya ng kaibigan.




"I missed you, too, Pam. Huwag ka nang umiyak. Umabsent ka lang naging iyakin ka na. Libre na lang kita ng kape." Saad ko at kinuha ang panyo sa aking bag saka iyon marahang pinunas sa pisngi niya. "Tahan na. Use this, punasan mo nga 'yang sipon mo. Kadiri ka." Biro ko para kahit papaano'y gumaan ang nararamdaman niya.



"Hindi pa nga lumalabas iyong sipon ko. Pero sabi mo ililibre mo ako ng kape. Sinabi mo 'yon. Tara na, libre mo ako."




"Oo na, oo na." Natawa ako dahil sa pagyugyog niya sa akin at pangungulit.




Hindi ibig sabihin nito'y makakalimutan ko na iyong nangyari noong nakaraan, iyong nakita ko. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin iyon, hinihintay ko lang si Pam baka sakaling masabi niya sa akin ang bagay na iyon at maipaliwanag niya dahil sigurado namang hindi iyon gagawin ni Zahira.





"Dito ka pala nagpapart time job," gulat na tanong ko kay Aldrich nang ibigay nito ang order naming coffee ni Pam.




Nandito kami ngayon sa coffee shop na malapit lang dito sa school namin, ito rin iyong coffee shop kung saan pangalawang beses kong makausap si Aldrich.




"Ipakilala mo ako," bulong ni Pam kaya natawa ako.




"Anyway, this is Pam, my friend. And, Pam, this is Aldrich, iyong humila sa akin noong gabing umamin si Clarence sa crowd." Pakilala ko sa kanila sa isa't isa. "Sorry, ngayon lang nagkaroon ng pagkakataong maipakilala ko siya sa 'yo nang maayos." Sambit ko kay Pam.




"Hi," tila kinikilig na sambit ni Pam at nilagay ang kamay sa harap ni Aldrich para makipagkamay ito. Kinuha naman iyon ni Aldrich kaya mas lalong kinilig ang kaibigan ko.




Tinignan kong mabuti ang reaction ni Pam. Kilig na kilig siya, ibig sabihin ay hindi totoo iyong naiisip kong meron sa kanila ni Zahi. Siguro nga ganoon iyon. Sana.





"Nice to meet you, Pam." Ngumiti si Aldrich kaya kitang-kita na naman ang dimple sa kabilang pisngi niya. "I need to go," kamot nito sa ulo na tila nahihiya pa, "may trabaho pa kasi. I'll talk to you later." Saad niya at umalis na.




"Gago, ang pogi. Iyong ngiti niya, idagdag mo pa iyong dimple niyang nakakatunaw." Kinikilig na sambit ni Pam.




"You like him?" Curious na tanong ko.




"He's handsome, girl. Sinong hindi magkakagusto sa kaniya?"





"Eh, sino iyong sinasabi mo noong nakaraan na nagugustuhan mo?" I again asked. Kinuha ko ang order kong kape pero ang mga mata'y nakay Pam lang.




She smiled bitterly, "may jowa. Hanap ako bago." Maya't maya'y tumawa siya.




Napalunok ako. Hindi naman siguro si Zahira iyon, 'di ba? Oo, hindi siya. I'm just overthinking. Alam ni Pam na kasal kami ni Zahira kaya siguradong hindi siya 'yon.




"Si ma'am Zahi."




"Hindi mo na ako mauuto." Sabi ko at hindi nilingon ang tinuturo niya.




"Gaga, totoo nga. She's with Ma'am Joy. Tignan mo kasi."





"Ayaw ko."





Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon