Kabanata 69

786 42 5
                                    

"Ang daming bagong artista ngayon, 'no? Mukhang karamihan ng pinapalabas ngayon ay mag fresh ang mukha. Pansin mo?" tanong ng isang estudyante nang makita ang pinapalabas sa telebisyon. Nasa isang shop sila at kumakain dahil bakante sila ng dalawang oras.

"Hmm. Pansin ko. May bagong talent show nga ang Media High Entertainment, eh. Mga singer," sagot naman ng kasamahan nito na naka-tirintas ang buhok magkabilaan.

"Ay! Sino nga 'yong nalaos na singer dahil doon sa scandal niya? Grabe 'no? Nagagawa nga naman ng mga taong hindi makuntento," komento ng naka-headband na kausap nito at napapalo pa sa braso ng kaklase.

"Hm! Si Lisa! My gosh! Hindi ba siya nandidiri sa sarili niya at proud na proud pa dati. Idol ko pa naman siya, pero ngayon hindi na. Kaya ayaw kong mag-artista, eh. Ang dumi ng business na 'yan. Who knows kung ano'ng ginawa ng iba hindi lang si Lisa," pagtataray ng naka-tirintas.

"Tapos 'yong kay Henrietta pa, 'di ba? Iyong she felt betrayed daw, eh, wala naman inagaw dahil wala naman sa kanya!" Tumawa ang dalawa.

"Right! Feelingera masyado— silang dalawa I mean. Henrietta was also not a good person. Sila sila mismo ang nagpaplastikan sa likod."

"I don't think so."

Sa hindi kalayuan sa kanilang kinauupuan ay nakatitig ng masama ang taong pinag-uusapan nito. Lisa was wearing a sweatshirt, sunglasses and a cap. Nakakuyom rin ang kamao nito. She still remembers the things that happened to her before that scanda blew up. Alam niya kung sino ang may kagagawan niyon at hindi siya p'wedeng magkamali! They were talking that time when she said something and after that 'tsaka pinalabas sa national t.v ang pinanggagawa niya. Hindi siya laos! She was just laying low. Iyon na rin ang sinabi ng management sa kanya. Soon. Aangat ulit siya at aapakan si Henrietta!

Napaiwas siya ng tingin nang mapabaling sa kanya ang paningin ng dalawang estudyante. She hopes that they never recognize her. Kung dati ay masaya pa siya sa atensyon na nabibigay nito sa kanya kada lalabas siya public ngayon ay hindi na. People will point their fingers on her and will say nasty things. Kung hindi niya mapigilan ang sarili ay baka masabunutan niya ang mga ito. The nerve of these people to idolize her while stabbing her back.

Maya maya pa ay may umupo sa harap niya at inalis ang glasses nito sa mata.

"Ang tagal mo. Bagot na bagot na ako dito," wika ni Lisa kay Jordan at pinaningkitan ito. Bakit ba kasi dito sila nagkita sa public. They can book a private room naman sa isang restaurant. Well, ganid nga pala itong si Jordan at mukhang pera.

"Sorry. May dinaanan lang kasi ako," reply naman ni Jordan at pinasadahan ng tingin ang dalaga. Napakagat siya sa labi nang maalala ang mga nangyari sa kanilang dalawa ni Lisa sa mga nagdaang araw. He can say that by ruining her image mas nagka-oras sila sa isa't-isa. The woman frequently stays in his unit and they can do many things.

"Ano na 'yong pinapagawa ko sa'yo? I can't stay like this forever. Sayang ang pinaghirapan ko!"

"Relax. Hindi naging madali sa akin ang pinapagawa mo, okay? Naging madungis ang reputasyon mo dahil sa nangyari kaya ayaw ka nilang kunin. Buti at may kaibigan ako na p'wede kang isabak ulit sa endoresement."

"And what's the deal?" Tumaas ang kanang kilay ni Lisa at pinag-krus ang braso.

"Well, if you can have a night with him, he will do it. Pasok ka mismo at wala nang iba."

Lisa knew about it. Iyon naman talaga ang gusto ng mga ito, eh. Huminga siya ng malalim at tiningnan si Jordan.

"Ano pa?"

"Wala na. Just focus on your job at makakabalik ka rin. Ano nga pala ang plano mo kay Henrietta? That woman changed a lot. Akala ko mauuto pa, eh."

"Tanga ka kasi. Lagi s'yang binibiktima mo kaya ayan obvious tuloy! I'll make her pay for what she done to me. Ibabalik ko sa kanya ang pagpapahiya niya sa akin at sisiguraduhin kong malalaman iyon ng buong mundo."

"Do you have the power to do that? She's a prominent figure, Lisa."

"So what? Hindi lang naman ako ang kaaway dito, eh. You're also in."

Sigurado s'yang tinutulungan ni Vincenzo si Henrietta. How could the two become a couple? Walang nasasabi sa kanya si Henrietta noon o sinekreto nito dahil alam nitong baka siya ang piliin ng binata?

"Of course, I'm with you. Hindi lang rin naman ikaw ang nag-suffer sa kamay ng babaeng 'yon."

Lisa smiled.

-----

Yushu Supermarket

"Ma'am, tulungan ko na po kayo," offer ng guard malapit sa parking lot.

Mila shook her head. "Hindi na. Kaya ko naman. Parating na rin ang driver ko. Kinuha lang ang kotse sa parking lot para daanan na lang ako dito. Salamat," wika nito bago ngumiti. The guard nodded and got back to his post. Nasa hita niya ang pinamili habang nakaupo sa wheelchair. Kasama niya ang driver mamili at ngayon nga ay hinihintay niya ito.

Maya maya pa ay dumating na ito at tinulungan siya na makapasok sa loob.

"M-Mila?" mahinang aniya ng isang ginong nang makalagpas sa supermarket at makita ang babaeng matagal nang patay.

"Huh? Sir?" takang tanong naman ng driver nito na sinilip siya sa rear view mirror ng kotse.

Napapikit ang ginong at tila may masamang inaalala. Sobrang tagal na pero sariwa pa rin sa kanyang alaala ang nangyari noon.

"Nothing. I think I just saw someone familiar to me, pero imposible iyon dahil matagal na itong patay," sagot nito at huminga ng malalim. Kitang-kita na ang gray nitong buhok dahil sa katandaan.

"Siya po ba? Baka pagod lang kayo sir. Hahanapin pa po natin siya kaya kailangan may lakas kayo," wika ng driver at pinahinaan ang aircon sa kotse. Hindi lingid sa kanyang kaalaman ang nangyari sa amo. Sa kanya naku-kwento ang buhay nito at masasabi n'yang pinagkakatiwalaan siya ng boss.

The man on the back looked outside. Ilang years din s'yang nagkulong sa kanyang bahay bago napag-desisyunang umalis para hanapin ang taong pinangakuan niya na aalagan niya ang anak.

"Hmm. Tomorrow, I will see her."

Hindi pa man niya nakikita ang dalaga ay tinuturing niya na itong anak.

Kung sana naging matapang siya noon. Kung sana hindi pa huli ang lahat...

-----

© _eysteambun

Henrietta's BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon