Sinamaan ko naman sila ng tingin that made them bowed their head in order not to burst in laughter. Mga hinayupak.

"Are you ready to---"

"What are you? Five?" Inis na sabat ng nasa likod ko kaya naman 'di ko maiwasan na makaramdam ng inis.

E kung ikaw na ang magdasal dito, Ma'am since alam mo naman kung paano? Anak ng-- dasal ko 'to, wala siyang pakialam.

Ipagpapatuloy ko na sana ang naudlot na dasal kanina nang may biglang nagbukas ng pinto at niluwa no'n si Adira na humahangos. Napangisi naman ako ng makita ang mas dumilim pa ata na aura ni Ma'am bago tumingin ng nang aasar kay Adira. Patay ka ngayon, accla.

"You're late, Ms. Tuazon," she muttered before walking towards my friend, who didn't feel the professor's dark aura.

Dahan dahan na bumalik ako sa aking upuan at doon naghintay dahil mamaya pa naman 'yong dalawa na papasok. Sige, take your time sa labas para wala nang lesson sa subject ni Ma'am since Friday naman.

"Hoy, question lang," sabat ng aking katabi sa right na si Andrea. Nilapit ko ang tenga ko dito dahil mukha siyang bubulong, "May something ba kay Adira at Miss---"

"Woi! Grabe! Something agad?" Medyo nagpa-panic kong saad bago ngumiwi ng weirdo ako nito tingnan. Napakamot ako sa batok, "Feel mo rin?"

"Ang alin?"

"'Yung init, 'te. Ang init, 'di ba?" Sarkastiko kong saad na nagpairap dito bago ako batukan. Aba't--

"Nagtatanong kasi ng maayos." Asar na saad nito bago ako tingnan ng naghihintay sa aking sasabihin.

"Feel mo rin tension, 'te? Hmm?" Taas kilay kong saad at tinuro ito kaya napangisi siya bago tumango. Natawa ako. Bading din 'to for sure.

"Duh? Lakas ata ng radar nito." She said before flicking her hair. Natawa naman ako lalo sa ginagawa nito bago mapatalon sa gulat ng marinig naman na parang may bumagsak sa likod pero si Adira lang pala 'yon na hindi na rin maipinta ang mukha sa sobrang inis.

Napaupo na rin kami ng marinig namin ang lagabog ng pinto nang maisara kaya humarap na kami sa unahan. Gago, nakakatakot mag-stay sa room na 'to.

Natapos naman ang lesson namin kay Ma'am nang sobrang nakakatakot. Ramdam mo talaga 'yung madilim na aura sa harap pati na rin sa likod namin dahil kay Adira. Naiwan naman ata si Adira sa room dahil pinag-stay ata ni Ma'am. Sus.

Papunta na ako ngayon sa office ng SSC para ipasa 'yung form na pinasagot sa akin kanina ni Xavier for the quiz bee. Lakas nga e, ako pa pinadala dahil may gagawin pa daw siya. Ang galing.

Pagkabukas ko ng office ay bumungad sa akin ang nakatayo na si Soleil at ang inis na mukha ni Astraea. Mukhang nang-iinis na naman ang Tuazon kaya siguro ganan ang mukha ng isa. Ibang klase.

"Get the fvck out, Ms. Soleil," mariin na banggit ni Astraea ng makita ako sa pintuan ng kaniyang office kaya napabaling rin ng tingin sa akin si Soleil at napangiti ng malawak.

"Oh, hello there, my future sister-in-law!" Maligayang bati nito at pinaghila pa akong upuan sa tapat ng table ni Astraea, na hindi ko tinanggap dahil aalis rin naman agad ako dahil gutom na ako.

Kunot noo ko siyang tiningnan, "Bodyguard ka ba nito at lagi kang nakadikit?" Tanong ko kay Soleil kaya napangiti na naman ito ng malawak at tumingin kay Astraea, na inip lang na nakatingin sa mga papel bago tumayo.

"Well, if she wants---"

"No," agad na sabi ni Astraea kaya napanguso ang isa. "Stop giving her more ideas, Dione." Inip na saad nito bago ako bahagian ng ngiti, "What can I do for you?"

Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon