Chapter Twenty Seven

Magsimula sa umpisa
                                    

Ang gulo ko, samantalang dapat naguguluhan ako sa trabaho ko at nobela ko, ito pa talaga ang iniisip ko?

Bwisit ba 'ko?

Trabaho bago si Alexander!

Tang ina, para lang akong nasa high school ulet.

Pati na rin yung reaksyon ko nung nag-tama yung mga mata namin, bwisit!

No, no... everything is going to be alright.

All you have to do is live a good morning tomorrow and then magiging okay na ang lahat.

I have to do something at least, right?

I'm going to be okay, all I have to do is... ano nga ba ang kailangan kong gawin?

I slept early because I was nervous, iniisip ko na rin na gigising ako nang maaga para lang umalis ako sa apartment ko nang maaga para 'di ko siya makita, I tried my best.

Naligo ako nang maaga, nagmakeup din ako nang konti at nag pantalon lang ako at nag black baggy shirt.

Nag tali ako nang buhok at nag sapatos, 'di ko rin alam kung saan ako pupunta.

Nag dala pa ako ng jacket samantalang ang init sa ngayong panahon tapos magjajacket pa 'ko?

Nang lumabas na 'ko mula sa apartment ko at pasarado na 'ko nang pinto ng namalayan ko na nakatayo siya sa labas ng pinto ng apartment niya, nakangiti pa rin siya sakin at may dala-dala siyang plastic bag.

"Katerina, good morning~"

No, no! Ang aga kong gumising tapos gano'n din siya kaagang gumising?

Hanggang ngayon nakangiti pa rin siya sakin, nakakabwisit na, hindi pa nga kasi ako handa!

Namumula naman ang mga pisngi ko at tinaggihan ko ang titig niya sakin, I walked pass him and went inside the closest elevator and made sure to close it as quick as I could bago pa siya magisip na pumasok.

And the last thing I saw before the door closed was his eyes still focused on me, hindi siya nakangiti pero alam na alam ko ang ibig sabihin ng ekspresyon na yan.

He's either upset or confused. Just like back then.

That means na yung pa ngiti ngiti niya sakin ay peke, he's hiding his anger.

He is angry because I've been avoiding him.

I'm sorry, Alexander.

Hindi lang talaga ako handa ngayon, hindi pa 'ko handa na makita ka at kausapin ka.

Natatakot ako kasi 'di ko alam kung anong sasabihin ko sayo, umiyak lang din ako kagabi dahil sa nakaraan.

It's so embarrassing. I was crying about him last night and then when I was just about to prepare myself for today... nandun siya?

Kapit-bahay ko pa?

"Seriously, Rina?"

"What?" tinapos ko yung isang baso ng wine na para bang beer o shot ng tequils.

Wala na 'kong pake, I just want to calm myself down right now.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya nandito ako sa mansion ni Genevieve, wala naman daw si Quinten at yung tatay niya, so I'm good.

"Anong meron? Ano?" hinablot niya yung baso mula sa kamay ko at tiningnan ko lang siya.

Huminga ako nang malalim at umupo ako sa tabi niya, paano ko ba sisimulan 'to?

American Boy ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon