Saan ba niya nakalap ang impormasyong iyon? Para saan ako magagalit? Para sa paghatid niya kay Pam? Sa kaibigan ko? Ano? Taxi driver na siya ngayon? Sa inis ay iniwan ko na lang siya roon sa kusina kahit na may sasabihin pa sana ito.





Kinabukasan ay maaga akong gumising para i-check ang kamay ni Zahira. Walang sali-salita akong pumasok sa kwarto niya nang pagbuksan niya ako matapos akong kumatok. Natigilan pa ako dahil bathrobe lang ang suot niya, katatapos niya lang maligo.





"What are you doing here?" Umagang-umaga anlamig na naman niya.





"I'll just check your hand. Lalagyan ko na rin ng ointment at papalitan ng benda." Sambit ko, hindi makatingin sa kaniya dahil medyo open ang bathrobe niya at nakikita ko ang kabuuan ng collarbone at cleavage nito—teka, may cleavage rin naman ako.





"Hindi na, September—"





"H'wag kang magulo," sabi ko at dahan-dahang hinawakan ang kamay niyang nakabalot ng benda na medyo basa pa.





Hindi na rin naman siya nagreact pa at hinayaan lang ako habang tinatanggal ang dati nitong benda. Dahil sobrang lapit niya sa akin ay amoy na amoy ko siya, ang bango niya lalo na't katatapos niya lang maligo. Buti na lang din at tapos na rin akong maligo bago ako pumunta rito. Nakakahiya sa kaniya kung hindi.





"N-namamaga na," sambit ko nang makitang mas lalo itong namaga, naging purple na rin ang kulay ng naipit. "Tara na kasi sa hospital. Hindi ako doctor, Zahira. Ni hindi ko nga alam kung tama itong ginagawa ko." Dagdag ko, hindi mapigilang mag-alala. "Kasi naman! Bakit mo ba kasi hinarang 'yang ka—"





Natigilan ako sa pagsasalita nang bigla niyang nilagay ang kamay niyang namamaga sa baba ko at inilapit niya ang mukha ko sa mukha niya, maya't maya'y naramdaman ko na ang pagdampi ng malambot niyang labi sa akin.




Hindi agad ako nakapagreact pero nang marealize ang nangyayari ay agad akong napaatras at napatayo. Hindi ako makapagsalita kahit gusto kong magprotesta dahil sa ginawa niya—pero tangina, iyong malambot niyang labi, I can still feel it.




Parang sasabog na ang puso ko sa sobrang bilis at lakas ng tibok nito. Para itong hinahabol ng kung ano.




"See, I can manage the pain, Ember," tila may ibang ibig sabihin pa iyong sinabi niya bukod sa iniinda ng kamay niya. "Kaya ko pang igalaw ang kamay ko. Magsasayang lang tayo ng oras kapag pumunta pa tayo sa hospital."




Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya iyon ginawa, kung bakit bigla na lang niya akong hinalikan pero iba ang lumabas sa bibig ko. "A-are you sure?"





"Ano pang gusto mong gawin ko para maniwala kang sigurado ako?"




"S-sabi mo kaya mo pa. E-edi sige, ikaw na rin maglagay ng ointment at benda sa kamay mo. Aalis na ako—"




"Sinimulan mo, bakit hindi mo tapusin?" Tila nanghahamong sambit nito, nagtaas pa ng isang kilay.





"H-ha?"





"Tapusin mo ang sinimulan mo, Ember."





Iyong pagbenda ba ng kamay niya ang tinutukoy niya o may iba pa?






Muli akong lumapit sa kaniya but this time ay hindi na ganoon kalapit, malay ko ba kasing baka bigla na naman akong tukain ng malalambot niyang labi. Tangina.





Walang-imik kong nilagyan ng ointment at benda ang kamay niya, hindi na rin naman siya nagsalita pero alam kong nakatitig lang siya sa akin habang ginagawa ko iyon hanggang sa matapos.





Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon