Naalimpungatan ako nang may yumugyog sa akin nang marahas.

"Divina, gising na! Anong oras na tulog mantika ka pa rin!"

Boses iyon ni Nanay. Napaungot ako bago marahang humarap sa kanya.

"Nanay naman, antok pa ako," reklamo ko.

"Aba, anong petsa na nakahilata ka pa rin diyan. Nakapasok na nga sa eskuwelahan si Dave. At saka bakit ka inaantok? Ang laki na nga ng eye bags mo dahil nasobrahan ka sa pagtulog."

Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla itong sumakit. Anong sobra sa tulog? Alas dos na kaya ng madaling kanina gising pa rin ako.

"Anong oras na ba, Nay?"

"Aba'y pasado alas otso na ng umaga. Kanina pa naghihintay si Señorito Gaston sa 'yo. May kailangan daw kayong pag-usapan. Baka may naiwan kang trabaho na ikaw lang ang nakakaalam kaya may itatanong daw sa 'yo. Hindi ka raw matawagan, e."

Napabangon ako nang diretso.

"Na...Nandito si Señorito Gaston?!"

"Aba'y kanina pa. Dito pa nga siya nagkape. Tulog mantika ka kasi. Hala, puntahan mo siya sa kotse niya at ayusin mo muna ang sarili mo. Mukha kang nakipagdamaan sa mga daga."

Bakit pumunta pa siya rito? Huwag niyang sabihing kulang pa ang mga sinabi ko sa kanya kahapon?

Hindi ako magkakaundagaga. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong pulutin. 'Yong salamin ba o suklay. Mabilis ako tumalilis papasok sa banyo para maghilamos at magsuklay kaunti. Pinalitan ko rin ang suot kong damit ng maluwag na t-shirt pero naka-pajama pa rin ako sa ibaba.

Lumabas ako at tinunton ang kotse niyang nakaparada sa hindi kalayuan. Kinabahan ako. Buti na lang wala pa ring ideya si Nanay sa naging relasyon namin. Kung hindi ko naman siya haharapin ay magtataka sila Nanay.

Bumibilis ang pintig ng puso ko habang papalapit sa kotse niya. Awtomatikong bintana nito nang ilang hakbang na lamang ako. Nakasuot siya ng aviators kahit sa loob ng kotse. Nakabihis din siya ng pormal. Ang guwapo talaga ng ex ko. Paranga ang sarap balikan.

"Get in," utos niya nang mapansin niyang tumigil ako sa tapat ng bintana ng kotse.

Umiling ako. Ayaw ko ngang pumasok. Baka bigla niya akong kidnapin.

"Ano'ng kailangan n'yo, Señorito?" pormal kong tanong.

Umigting ang kanyang panga saka napabuga ng hangin.

"Hindi ka papasok? Fine."

Nanlaki ang mga mata ko nang akmang lalabas siya ng kotse kaya dali-dali nga akong sumakay at naupo sa tabi niya.

Agad na nanuot sa balat ko ang buga ng aircon sa loob ng sasakyan. Dinig ko ang mabigat na pagbuga niya ng hininga. Itinaas niya pabalik ang bintanang nasa tabi ko. Tiyak na hindi kami nakikita rito dahil tinted ang kotse niya.

"Have you cleared your mind?" tanong niyang hindi nakatingin sa akin.

Napatanga naman ako. "Huh?"

"I will accept your apology if you will take back everything that you have said yesterday."

Kinunutan ko siya. "Apology? Bakit naman ako magso-sorry? Wala naman po akong dapat ihingi ng sorry."

Kumuyom ang kamao. Nagpatay-malisya lang ako.

"Ah, alam ko na. Sorry kasi sinayang ko lang ang oras at effort ninyo sa akin. I'm sorry talaga, Señorito—"

Hindi ko na naituloy ang sinabi ko nang bigla niyang sinakop ang mga labi ko. Ramdam ko ang panggigigil niya. Nakakabaliw at nakakaliyo. Pero bago pa man ako mahulog sa patibong ng mga labi niya ay mabilis ko siyang itinulak saka pinahid ang labi ko gamit ang likod ng kamay ko.

Against the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon