"Anong gusto mong pag-usapan natin?" patay-malisyang tanong ko.

May ideya na kaya siya na alam ko na ang tungkol sa koneksyon niya kay Puppy?

Humugot siya ng malalim na hininga.

"I know we started off on a wrong foot. I admit my mistake, Divine. I'm sorry. All this time, nakita ko kung gaano ninyo kamahal ni Gaston ang isa't isa. I felt awful for getting in your way. Akala ko kasi temporary infatuation lang ang nararamdaman ni Gaston para sa 'yo pero hindi pala. Seeing him risking everything just to save your relationship made me realize how much you mean to him."

Napanganga ako. Si Shelley ba talaga itong kausap ko o isang espiritu na sinaniban ng mabuting anghel? Hindi ako makapaniwalang tiningnan siya. Pero nanubig ang mga mata niya bagama't nakangiti nang mapait. Pasimple niya iyong pinahid saka hinarap ako.

"Gaston and I were engaged only in papers. He never honored it. I admit I have feelings for him. Hindi kasi siya mahirap mahalin. I was willing to give up on him, but Dad insists on marrying us off. I already declined but he pulled out his shares, and now the company is facing a major recession."

Nanubig ang mga mata ko. Kawawa naman si Puppy.

"To appease my father, I proposed a contract marriage to Gaston. We'll get married in the States, then we can divorce after a few months when everything gets settled, but he refused my help. I hope you don't mind, Divine. My dad can't let go of an old agreement with Gaston's dad. Gusto ko lang namang makatulong."

Tumango-tango ako at tipid na ngumiti. "Naiintindihan ko. Hindi naman kita hinuhusgahan. Salamat kasi sinabi mo sa akin ang lahat."

"Maganda ka, Shelley. At mabuti ka rin namang tao. I'm sure may makikilala kang mas mamahalin ka nang buong-buo. Salamat sa mga ginawa mo para kay Gaston, pero hindi natin puwedeng diktahan ang puso."

Ngumiti siya nang mapait. Nagpaalam na ako sa kanya saka dali-daling nanakbo papasok ng unit. Gusto ko kasing humagulgol.

Pumasok ako sa kuwarto ni Bambi at niyakap siya habang umiiyak. Kahol naman siya nang kahol. Siguro hindi siya sanay na makita akong umiiyak.

"Bambi, aalis na tayo rito. Huwag kang mag-alala marami akong naipong pera pambili ng food mo."

Kumawag ang buntot niya saka dinilaan ako sa pisngi. Niyakap ko siya ulit saka tumayo.

Pumanhik ako sa itaas para kunin ang maleta kong itinago ko pa sa ilalim ng kama. Hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit. Tiyak na pupuntahan ako ni Puppy sa bahay kapag nalaman niyang umalis ako. At least doon ay maiiwasan ko siya. Hindi pa naman alam nina Nanay na kami na.

Inilagay ko ang maleta sa likod ng sofa. Magtutungo na sana ako sa kuwarto ni Bambi para kunin siya pero biglang bumukas ang main door ng unit. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang papasok si Puppy Gaston.

Dali-dali kong kinuha ang maleta para sana itago pero huli na.

"What's this, Kitten? Are you leaving without even telling me?" hindi makapaniwalang bulalas niya.

Natigalgal ako. Ang sabi niya kasi ay mag-stay muna ako rito nang ilang days bago umuwi. Pero hindi naman kasi ako um-oo sa kanya no'n.

Patay ka, Divine. Nakipagtsismisan ka pa kasi kay Shelley. Ayan tuloy.

Huminga ako nang malalim saka nag-angat ng tingin. Taas-noo ko siyang sinalubong ng tingin. Pero muntik na akong mapalunok nang makita ang pagod sa mga mata niya. Siguro hinanap niya ako kanina sa opisina nang umalis ako.

"I thought we already agreed you'll stay for another 5 days?"

"Ikaw lang naman ang nagsabi no'n. Hindi naman ako sumang-ayon," mahinang sagot ko.

Rumihestro ang gulat sa mga mata niya. Humakbang siya papalapit sa akin kaya umatras ako. Napakunot siya ng noo.

"What are you doing?" takhang tanong niya.

"Gusto ko nang umuwi sa 'min. Ayaw ko na rito," mariing sabi ko sabay iwas ng tingin. Sana hindi tumulo ang luha ko.

"Why? Did you get bored?"

"Oo," walang patumpik-tumpik kong sagot.

Saglit na dumaan ang sakit sa mga mata niya. Bumuntonghininga siya.

"Okay, fine. But you don't have to leave right now. How about tomorrow? I'll send you home tomorrow-"

"Hindi na. Gusto ko nang umuwi ngayon. Malapit lang naman ang bahay, e. Magta-taxi na lang ako."

Napaawang siya. Umiwas ako nang akma niya ulit akong hahawakan.

"Kitten, what's wrong? Are we okay?" naguguluhang tanong niya.

Kita ko ang sakit sa mga mata niya kaya napalunok ako. Naninikip ang dibdib ko. Kaya ko ba?

"Maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin at kay Bambi, pero simula ngayon ayaw ko nang makita ka."

Nanlaki ang mga mata niya at napasinghap pagkasabi ko niyon. Mabuti na lang at magaling akong umarte kaya napigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko. Kunwari na lang kontrabida ako ngayon sa telenobela.

"What do you mean ayaw mo? W..Why?"

Bumuntonghininga ako saka tinignan siya diretso sa mga mata.

"Break na tayo."

Napahigpit ang pagkapit ko hawakan ng maleta pagkatapos kong sabihin iyon. Mabuti na lang at hawak ko iyon, kung hindi ay napaluhod na ako sa sahig dahil nanghihina ang mga tuhod ko. Lalo na nang makita ko kung paano rumihestro ang sakit sa mga mata ni Puppy. Sunod-sunod siyang napalunok. Hindi na ako nakaiwas nang inisang hakbang niya akong niyakap.

"You must be tired. Let me send you back to your room so you can take a rest."

Pigil na pigil kong mapahikbi dahil ramdam ko ang panginginig ng boses niya. Lalo na ang mabilis na pagtahip ng dibdib niya. Pinigil ko rin ang sarili kong yakapin siya pabalik.

"Are you hungry? What do you want to eat? I'll cook whatever you want," masuyong sabi niya.

Umiling ako saka kumalas sa yakap niya. Hay, ang hirap naman makipag-break. Sana nagtanong ako kanina kay Vanessa kung paano ginagawa iyon ng mga character sa mga nabasa niyang nobela.

"Hindi mo ba ako narinig? Gusto ko nang umuwi. Ayaw ko na sa 'yo."

Muli niya akong hinigit at niyakap. This time ay parang hindi na ako makahinga sa sobrang higpit niyon.

"You're just tired. That's why you're talking nonsense. Akin ka lang, walang magbi-break."

Nakagat ko na lang ibabang labi ko bago nilakasan ang pagkalas ng mga braso niya sa akin. Nakita kong nagulat siya dahil sa ginawa ko.

"Akala mo siguro nagbibiro lang ako. Tingnan mo ako sa mga mata, Señorito Gaston. Ayaw ko na sa 'yo dahil na-realize ko these days na hindi pala kita mahal. Mababaw lang pala ang feelings ko sa 'yo. At saka ayaw ko sa mundong ginagalawan mo, ang boring. Tapos laging desisyon mo pa ang nasusunod kaya pakiramdam ko wala akong kalayaan. Bata pa ako, marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Kaya sana maintindihan mo."

Kumislap ang mga mata niya at dumaloy ang mga iyon sa kanyang pisngi. Pero sinupil ko ang hikbi sa lalamunan ko.

"But, why? We were okay just this morning."

Napahilamos siya ng mukha.

"Kitten, don't be impulsive. You can't break up with me."

Nginitian ko siya nang mapakla. "Tama ka, impulsive nga siguro ako. Kaya siguro pumayag akong makipagrelasyon sa inyo nang gano'n kabilis. Pero ngayong natauhan na ako, sana respetuhin mo naman ang desisyon ko. Huwag na tayong magkita simula ngayon."

Pagkasabi no'n ay kinuha ko si Bambi sa kuwarto niya. Pagkalabas ko ay natuod pa rin sa kinatatayuan niya si Puppy. Parang gusto kong bawiin ang lahat ng mga sinabi ko pero naiisip ko pa lang ang magiging epekto ng pananatili ko sa tabi niya ay nakokonsensya ako.

Walang imik kong hinawakan ang tali ni Bambi saka hinila na ang maleta ko palabas pero napatigil ako nang may yumakap sa akin mula sa likod.

"You can't do this to me, Shyr Divine. You can't!" nanginginig ang boses na bigkas niya.

©GREATFAIRY

Against the WindWhere stories live. Discover now