"I will keep kissing you until you say that right word."

"Huh?"

Hinalikan niya akong muli pero mabilis lang.

"Stop calling me señorito," mariing utos niya.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. "Pu...Puppy."

"Finally."

Ngumiti siya. Ngayon ko lang nakitang lumiwanag ang mukha niya nang ganito kasaya magmula nang bumalik siya galing ng Amerika.

"Uhm, Puppy... Ibig bang sabihin nito ay tayo na?" nahihiyang tanong ko. Nag-iwas ako nang tingin nang lumapad ang ngiti niya.

"You kissed me back earlier. Didn't it mean you're accepting my feelings?"

Sumubsob ako sa dibdib niya para itago ang mukha ko. Para kasing sasabog ang dibdib ko sa sobrang tuwa. Baka sabihin niya sobrang patay na patay ako sa kanya.

Teka, ba't ba ako nahihiya? Siya kaya ang unang nag-confess.

Narinig ko ang mahinang tawa niya, pero nang niyakap niya na ako ay nakaramdam ako ng kakaibang ginhawa. Pakiramdam ko ang lakas-lakas ko ngayon at kaya kong harapin ang buong mundo. Pakiramdam ko ako ang pinakamasayang babae sa ibabaw ng lupa.

Ninamnam ko ang yakap niya. Totoong-totoo na talaga ito. Hindi na hopia, sa wakas!

"Puppy, kailan mo ako simulang nagustuhan for real?" nangingiting tanong ko habang yakap-yakap siya.

"It's a secret. I won't tell you."

Napanguso ako. "Bakit naman? Tayong dalawa lang naman ang nandito. Huwag ka nang mahiya. Ako lang kaya 'to."

Kumalas siya sa yakap saka muling ikinulong ang mukha ko sa mga palad niya.

"You're so nosy. You don't need to know. From now on, you must only remember that you're the only one for me. I will do anything to make you happy. I will do everything so you won't regret accepting my feelings."

Parang tumambling ang puso ko sa mga sinabi niya. Hindi pa rin ako makapaniwalang kami na nga talaga. Parang nananaginip pa rin ako.

"Akala ko noon wala kang gusto sa 'kin. Umalis ka kaya nang walang paalam. Tapos hindi mo man lang nire-reply-an ang mga text ko. Hindi mo rin sinasagot ang mga tawag ko. 'Di ba deserve ko rin naman ng explanation? Three years kang nawala tapos gano'n gano'n lang?"

Muli niya akong niyakap kaya tuwang-tuwa ako. Pagkakalas niya ay hinawakan niya ang dalawang kamay ko saka tinitigan niya ako sa mga mata.

"I'm sorry about what I did. I didn't mean to leave without a word. I didn't want to cause any distraction to your studies. But it didn't mean I gave up on you. I have already decided to wait for you. I promised to myself that if you're still single when I come back, I will do everything in my power to be with you."

"Ibig sabihin ay gusto mo na ako no'ng time na 'yon?"

Nangingiting tumango siya. Lalo siyang gumuwapo sa paningin ko. Ako na yata ang pinakasuwerteng Shyr Divine sa buong mundo.

Bigla akong nakonsensya nang maalala kong itinapon ko sa dagat ang kuwintas na ibinigay niya. Tapos ibinenta ko pa ang cellphone na ibinigay niya rin. Kahit sira na iyon pero galing kasi sa kanya. May sentimental value sana iyon sa akin. Napabuntonghininga ako.

"Why? What's wrong?" nag-aalalang tanong niya.

Napangiwi ako.

"Puppy, may sasabihin sana ako. Pero 'wag ka sanang magagalit."

"I wouldn't dare," mabilis niyang tugon. Nakahinga naman ako nang maluwag.

Huminga ako nang malalim.

Against the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon