Kahit pa nasanay na sa mga papuring natatanggap, nakakataba parin sa puso na may mga propesyunal na taong na-appreciate ang ganda niya.

"Thank you, po."

"You have a resemblance with young Mila Javovich when she portrayed her 1991 film. Magkaiba lang ang kulay ng mga mata ninyo. You also have soft feature. Your side view is perfect."

Charlotta didn't know the name that Eagan mentioned so she had no idea. It wasn't familiar.

"Blooming pa, Eagan! Di ba? Gwapo ng boyfriend niyan!" halos kiligin si Miss Netta sa gilid.

"Ayos lang na may boyfriend kayo. Hindi naman ipinagbabawal. Kaya lang ay mag ingat. Mahirap na at mapupusok ang bagong henerasyon."

Charlotta did her ramp correctly despite of Grego's stares.

Dapat ay masanay na siya na nariyan ang boyfriend niya kapag may sasalihan siyang contest o kahit sa training lang. He could distract her, but he is also her inspiration.

Pagkatapos nila ay pasimple siyang nilapitan ni Netta.

"Charlotta, nasa office ni Madame Fauna si Sir Grego. Punta ka raw do'n pagkatapos mo rito."

"Sige, Miss Netta. Salamat."

Nag pack up na sila. Hinubad niya ang high heeled sandals at hinilot ang paa. Totoong masakit sa paa ang pagsusuot ng mataas na sapatos. Ngunit kailangan niyang sanayin ang sarili.

"Gusto bang makipagbalikan sayo?" narinig niya si Yasmin.

Inayos ni Alena ang bag. Tapos ay tumingin sa kanya, may kung anong ngiti sa labi. Alena didn't say anything to Yasmin.

After Charlotta fixed her bag. She went to the restroom to change her clothes.

"Wala ka ba talagang delikadeza, Charlotta?" boses ni Alena ang narinig niya.

Tinapos niya ang pagsusuot ng blouse na pinartneran niya ng jeans. Lumabas siya para masigurado kung tama ba ang narinig niya.

Alena is in front of the mirror while putting a powder on her face. Nagkatinginan sila sa repleksyon ng salamin.

"Seventeen ka palang, di ba? Tapos hinahayaan mo si Grego na matulog sa apartment mo?"

"May problema ka ba tungkol doon, Alena?" mataman niyang tanong.

Inilapag niya ang backpack sa sink at tahimik na tinupi ang mga damit.

"You're still a minor! Gusto mo yatang mapahamak si Grego dahil sa kasakiman mo!"

Anong ibig sabihin ng babaeng 'to? Nawala na ang iritasyon niya at ngayo'y bumalik.

"Ano ang pinagsasabi mo? Boyfriend ko si Grego. Anong masama kung magkasama kaming matulog?"

Pumula ang mukha nito. Kung sa blush on na inilagay o sa iritasyon, ay hindi niya mawari.

"Akala mo ba ay natutuwa si Tita Fauna sa ginagawa niyo? Para sa kanya ay ginagamit mo ang pagka inosente mo para lang pasunurin sayo ang anak niya. Alam mong gustung-gusto ka ni Grego at sinasamantala mo naman."

Natigil si Charlotta sa pagtutupi ng damit at hinarap si Alena.

To hear that Fauna Almendarez was against her or against with the way they carry her relationship with Grego, then something may be wrong with their actions.

Gusto niyang itama kung may mali. She don't want to disappoint the woman who give nothing to her but kindness.

"Nagkausap kayo ni Tita Fauna?"

Ito naman ang natigilan. Tumingin sa kanya ngunit walang sinabi.

"Kung may problema sa amin si Tita Fauna, nakakasiguro akong sasabihin niya sa amin ni Grego at hindi sa ibang tao."

La Carlota 1: Reaching the SunWhere stories live. Discover now