He's already here?

Iniwasan kong mag-park malapit sa sasakyan niya. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya dahil sa ginawa ko. Tumayo siya mula sa pagkakahilig sa hood ng kanyang Rover at marahang naglakad papalapit sa akin.

I'm busy fixing my things inside my car, napansin kong nakatayo na siya sa labas at hinihintay na i-unlock ko ang car door ko.

"Uhm..." sambit ko ng siya na mismo ang nagbukas ng pintuan ko.

"Morning..." he said bago siya humalig para humalik sa ulo ko.

Halos magtayuan ang balahibo sa braso ko dahil sa boses niya, halatang kakagising lang. Sobrang manly, ang lamig.

"Ang aga mo," sabi niya sa akin.

"Ikaw din," balik ko kaya naman bahagyang tumaas ang gilid ng labi niya.

Malamig ang paligid dahil sobrang aga pa, kaya naman ramdam na ramdam ko ang init ng palad niya nang humawak siya sa bandang likuran ko.

"May dala akong breakfast...hindi ka pa kumain," sabi niya na para bang sigurado siyang tama siya.

Hindi na lang ako umimik pa at nagpahila sa kanya palapit sa Rover niya. Pinagbuksan niya ako ng passenger seat kaya naman pumasok ako doon. May dala nga siyang mga pagkain for breakfast.

"Nag-usap na kayo ni Sovannah?" tanong ko sa kanya while we're eating.

Marahang umiling si Hunter. "I'll let you know. If you want isasama kita," sabi niya sa akin na kaagad kong inilingan.

I'm too tired for another drama.

And issue nila 'yong mag-bestfriend. He should fix it with her alone, Ang concern ko lang ay ang relationship namin.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya, Naramdam ko ang paghawak niya sa kamay ko.

"I want us, above anything else..." he said.

I want us too. I love him, ang totoo ay takot ako sa mga nangyayari nab aka maging siya ay mawala sa akin dahil sa sinabi ni Sovannah na she like him. Anong laban ko sa ilang taong magkakilala sila?

Hindi pa din ako umimik kay Hunter. Mula sa backseat ng kanyang sasakyan ay may kinuha siyang itim na jacket. He's just wearing a white tshirt kaya naman kitang kita ang ganda ng hubog ng kanyang katawan.

"Sa 'yo yan. I have my cardigan..." sabi ko sa kanya.

"I want you wearing my things..." he said kaya naman tumulis ang nguso ko at nag-iwas ng tingin.

Ngumisi siya, "Damn, can I kiss you?" tanong niya sa akin.

Nilingon ko siya at pinanlakihan ng mata.

"S-sabi mo manliligaw ka ulit..." paalala ko sa kanya.

Mariin siyang napapikit at mahinang napamura.

Gusto kong matawa dahil sa itsura niya. We stayed there sa loob ng car niya hanggang sa dumami na ang mga students. Napahinto ako when I saw Sovannah's SUV. Muli akong nakaramdam ng kung ano nang makita ko si Kuya Wil with her.

"Driver ni Tito si Kuya Wil. Nagkabakasyon ang driver ni Sov kaya si Kuya Wil muna," sabi ni Hunter sa akin. Looks like he saw me looking at them.

"I miss Kuya Wil," sabi ko sa kanya.

Ramdam ko ang tingin niya sa akin. "I can be your driver habang wala pa si Kuya Wil," sabi niya sa akin.

"I can drive..." giit ko kaya naman napatameme nanaman siya at natahimik.

Tumikhim siya. "Yeah, you have your baby cooper..." sabi niya tukoy sa mini cooper ko.

Gusto kong matawa sa pang-aasar niya pero pinigilan ko lang.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon