18 ~ GIRLFRIEND

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakita niya rin na medyo umiba ang mukha ni Yusef at Chantria nang matikman ang cake. Pero gaya niya, ngumiti ang mga ito na para bang ayos lang talaga ang lasa.

"Medyo sunog lang, pero ayos lang din naman," si Dalary na walang preno.

"Okay naman ah?" tanggol ni Trevor.

Napalunok si Solaris na para bang nalulungkot o ano. Solaris del Grazia was always confident. But not in that moment.

Napatingin siya kay Silvano na seryoso at tahimik na kinakain ang cake. Ang opinyon yata nito ang hinihintay ni Solaris.

"Sakto lang ang tamis. Hindi nakakaumay," sabi niya at totoo naman din 'yon.

Medyo sunog lang kagaya nang sinabi ni Dalary. But she don't need to say it out loud.

"Ang galing mo mag bake, Solaris!"

Ngumiti ito sa kanya. "Salamat, Charlotta."

Nakita niya na napapanguso si Silvano pagkatapos ubusin ang cake. It looked like he was trying his best not to smile by pursing his lips and making his brows creased.

"How's Solaris' cake, Silvano?" Yusef asked with a hidden tease.

"She's getting good in baking. Well done!" Silvano then gave Solaris a smirk.

"May cupcakes pa!" masayang balita nito sa kanila.

Kulang nalang ay magreklamo ang mga kasama niya pero wala naman nagawa. Kundi nagsitanguan lang at nginitian. They couldn't just say No to the del Grazias only heiress.

"I will get the cupcakes. Okay?"

"Okay. Thank you, Solaris."

Nang maka-alis na si Solaris ay wala naman gustong magsalita at laitin ang cake na iniluto para sa kanya. Bukod pa ro'n, matalim agad ang titig ni Silvano para lang matigil sa pamimintas ang kung sino sa cake na pinaghirapan ni Solaris.

"At least, she's trying her best. She's so sweet!" Yusef said, then ate another slice.

"Sobrang talented niya, pati pag-bi-bake gustong matutunan."

"That's how rich people does when they are bored, Dalary," animo may patutsada si Chantria.

"Or that's how rich spoiled girl does when she tries to impress someone?"

"Dalary," Silvano's baritone made Dalary pursed her lips.

"There's nothing wrong if Solaris liked Silvano. You sounded like a bitter jealous girl, Dalary." Yusef's mouth without filter could really hurt.

"Anong there's nothing wrong? There is wrong, Yusef. Solaris' mom don't like poor people. Hindi lang magawang pagmalupitan si Charlotta dahil girlfriend ni Grego. Paano naman si Silvano?"

"Kung talagang malupit si Tita Verra sana ay hindi nila tinanggap si Silvano bilang waiter dito."

"Hindi niyo lang alam. Nakita ko kung paano niya pagsalitaan nang-"

"Tama na, Dalary," Silvano cut her off. "Walang magandang patutunguhan ang usapan na ito."

The wind blows. The sounds of the waves together with the acoustic music near the shore echoed.

"Ayoko nang mapag-usapan ulit ang tungkol sa bagay na ito. Wag niyo na rin idamay si Solaris dahil wala siyang kinalaman."

"Tsk..." Dalary sighed loudly.

"Ayoko na tinutukso niyo siya sa akin. Masyado pa siyang bata. Hindi ko siya gusto..." he took a long pause, then a deep breath.

"Hindi ito ang tamang panahon para gustuhin ang katulad niya."

La Carlota 1: Reaching the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon