Dali-dali rin akong pumunta sa dining-hall at pumasok doon. Nang makapasok ay kaagad akong lumapit sa mga nagkukumpulan na mga estudyante upang tignan kung ano ang pinapalibutan nila.

A-ANG DAMING TAO! P-PARA AKONG HINDI MAKAHINGA SA GITNA!

Itinaas ko ang ulo ko upang tingnan kung ano ang nangyayari sa gitna pero wala talaga akong nakikita. Kayat lumapit pa ako at pumunta talaga sa harapan pero biglang nanigas ang aking buong katawan nang makita ang pinapalibutan nila.

May nakita akong isang nakalasalamin at kulot na babae sa gitna ng dining hall. Basang-basa ang kanyang uniporme at buhok na parang pinaliguan ito ng isang tubig.

Umiiyak din ito habang nakaluhod sa harapan ng mga limang babae.

Ang grupong 5QS...

"So you're telling me, you're a free student this whole time, diamondent?" tanong ni Jenny sa babae habang nakaupo sa isang bangko, umiinom ng tsaa.

A-ANO?! F-FREE STUDENT?!

Mas lalo pa akong nanigas at hindi nakagalaw sa narinig.

F-FREE STUDENT PALA ANG BABAE? P-PWES K-KAPWA FREE STUDENT KO PALA SIYA?!

Hindi sinagot ng babae ang taong ni Jenny at umiiyak lang talaga sa harapan nila kaya lumapit si Pia sakanya.

"C'mon, why are you even crying? We're just asking a question." nakangiting sabi ni Pia ngunit hindi parin sumasagot ang babae at patuloy lang sa pag-iyak.

"AISH! SASAGOT KA O SASAGOT KA?!" biglang-sigaw ni Christina at lumapit din sa babae.

Napaiktad ito sa sobrang gulat at mas lalo pang umiyak, "F-f-f-free s-student n-nga po a-ako." nanginginig nitong sagot.

Kaagad napasinghap ang lahat ng mga estudyante dito sa loob nang marinig ang sagot ng babae pagkatapos ay napatakip pa ng mga bibig na parang hindi makapaniwala.

"Oh my money! She's a liar!"

"She deserves to be punished! She's a free and poor student this whole time pala!"

"I can't believe this! May nakapasok na daga sa paaralan!"

Bulong-bulungan nila.

Nakita kong nandilim kaagad ang mga mata ni Jenny sa narinig pagkatapos ay biglang tumayo at dahan-dahan na lumapit sa babae.

Mas lalo pa akong kinabahan sa ginagawa ni Jenny at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Gusto ko sanang tulungan ang babae ngunit may kung anong boses ang pumipigil sa akin.

Kung tutulong ka, diba madadamay ka rin Krystalia? Paano kung malalaman nilang free student ka rin? Diba damay ka?

Kaya napag-isipin kong hindi nalang tumulong at manahimik nalang ngunit may isang boses din ang sinasabihan akong tumulong.

Tulungan mo ang babae, Krystal. Tulungan mo ang kapwa mong tao, tulungan mo ang kapwa mong estudyante, tulungan mo ang kapwa mong free student.

Naguguluhan ako sa mga boses at hindi ko alam ang aking pipiliin. Ayoko ng gulo pero parang mamamatay naman ako sa konsensya kung wala akong gagawin.

"Have you realized that you just deceived The Rank Four Elite Student? Free Student?" seryosong tanong ni Jenny sa babae.

Hindi ito sumagot at patuloy parin sa pag-iyak kaya mukhang nagalit si Jenny sa ginagawa niya at malakas itong sinampal sa pisngi.

Rikion HighWhere stories live. Discover now