So Close

145 4 1
                                    

AN: So nagpalit na ng theme song pero continuation muna ng Grow As We Go para hindi malito utak ko (cuz im actually also doing drafts for WBC) same storyline muna wag muna tayo kay leoreese at alyden 😊 magulo naman sa ngayon yung former tapos yung latter same same na lubog 😭😭😭 anyway, parang di na tayo sanay.

But still, you know the drill. Alexa, play So Close by Jon McLaughlin

*****

"Anubanamanyan!"

Reklamo ni Alyssa nung nalaman nya yung balak ng mga kaibigan.

Napatingin sa kanya yung mga kasama nya sa volleyball clinic nya, namely Dennise Lazaro-Revilla, Ella De Jesus at Jia Morado-De Guzman. "Oh? Problema mo?"

"Gusto nila almost virgin island tapos tent kami!"

Jia's eyes lit up while Ella cracked up, laughing.

"Ate Ly, that's so awesome!" Jia beamed. "Kung hindi lang kita gusto na magbakasyon since starting this volleyball clinic eh sasama ko sa'yo eh."

Ella then put her arm on Jia's shoulders. "Okay lang yan, di mo makikita kung gaano ka-bugnutin ni Ly sa camping."

"Because it's a huge inconvenience! Bakit ka magfu-full on tent kung pwede naman na may room kayo or hotel na matutulugan di ba?" Reklamo nya. "Saka, Ji. You don't know how overrated sleeping on tents is. It's not good. You think calming ang tunog ng dagat sa gabi, you're absolutely wrong."

Tumingin sya sa mga kaibigan only to see them trying so hard not to laugh.

"Parang ang laki ng kasalanan ng dagat at tent sa'yo ha, Ate Ly."

Siniko lang sya ni Denden saka ngumisi. "Hayaan mo na, Ji. Sobrang na-trauma kasi dati yang si Ly nung unang trip namin as Lady Eagles. Eh feeling adventurous kuno kami, oh ayun, hindi nga naman comfortable yung matutulog ka sa buhangin saka maririnig mo yung alon sa gabi na akala mo, magigising ka na lang na nasa gitna ka na ng dagat."

Doon na tuluyang natawa si Ella.

"Tawa pa, Donya Ells. Sige!"

At tumawa nga ng mas malakas si Ella. "Jusko, naalala ko si Ly noon bangag na bangag. Magmula noon hindi na sya nag-tent. Pero teka. Ano ba kasi naisip nyo at magtetent kayo? Saka bakit yung almost virgin island pa sa CamSur?"

"Well..." She paused. "Gusto kasi nung fiance ni Sam na maranasan yon dito sa Pinas and what a way to do that than to do it in a fairly deserted island? The only bright spot for me is that I'm gonna try to go to CamSur for the first time and in my solidarity with the FVP, at least I'll find something to in common with them."

Natahimik ang kaninang nagtatawanan na tatlo at saka sya tinitigan.

"What?"

Jia frowned and has a look of confusion in her. "Isasama ni Ms. Sam yung fiance nya sa outing nyong magbabarkada?"

"Better yet, pumayag ka na makasama nang ilang araw yung ex mo at yung fiance nya?" Denden pointed out. "And also, you just blabbed your way out of your misery. Like, why dude. Why?"

She just sighed and harshly put her things inside her bag. "Ako tigilan nyo ha. Ayoko lang mag-mukhang bitter at di pa nakaka-move on sa kanila at sa lahat ng tao kasi imposible na walang picture na lalabas."

To The Tune OfWhere stories live. Discover now