Quiz

Aha!

"Hindi mo ako pinakopya sa quiz natin kanina! Wala akong sagot sa may essay part! Shuta naman kasi quiz lang daw pero may essay!" Palusot ko dito na may kasama ring inis dahil medyo totoo naman ang sinabi ko. 

Aba! Magpapa quiz tapos may essay? Tamang gawain ba 'yon? 

"Bakit parang kasalanan ko?" Inis na sabi nito kaya hindi ko mapigilan na matawa sa aking isip. Ayan, ikaw naman ang ma-stress ngayon.

"Hindi mo ko pinakopya! Wala akong na sagot!" Nag aalburoto kong saad na medyo may pagpadyak pa sa sahig.

May naisagot naman talaga ako sa essay part pero same lang lahat ang aking point sa kada sentence kaya parang walang kwenta din 'yung essay ko kung babasahin ko man ngayon. 

"Deserve mo 'yon." Saad nito at umirap pa dahilan ng aking pag singhap dito, dramatically. 

Magsasalita na sana ako ng pinutol nito kaagad ang aking sasabihin na may inis sa kaniyang mukha. 

"Hoy Dione Chavez, hindi ko pa nakakalimutan na ibinigay mo kay Freyja ang video ko noong high school, pisting yawa ka!" Nanggagalaiti nitong singhal dito at binato ako ng tissue sa mukha. Ngumiti lang naman akl nakakaloko at tinaas taas ang kilay, inaasar ito. 

"Freyja? HUMSS student?" Tanong ng nasa aking tapat kaya napatingin ako dito ng nakakunot ang noo. Kilala niya? 

Bakit niya kilala?

Dapat ba kilala niya?

"Sumali ka na sa club nila?" Tanong ni Felicity. Tumango naman si Adira at napa buntong hininga. Napangiti naman ako ng malawak dito. Buti naman. 

"Really?" Rinig kong excited na bulalas ni Felicity kaya excited din akong tumingin kay Adira. 

"OMG! I knew it! Myghad, bestie! Makikita din nila ang talent mo!" Excited na sabi ko habang niyugyog ito. 

Napatigil naman ako sa pagyugyog dito ng makita na masama na ang tingin nito sa akin. Agad ko itong nginitian ng pilit bago mag peace sign. Para kasi siyang mangangagat na aso.

"May meeting kayo? Sama ako! Pogi daw yung drummer nila doon," napatingin ako kay Felicity ng sabihin niya iyon bago kami sabay na mapatili, na agad din naman natigil dahil sa isang propesora, na isa rin atang alagad ni Elsa kasama ang bebe ni Adira at dalawang estudyante. 

Napapahiyang napaupo naman ako habang si Felicity ay halos manigas sa kinauupuan dahil sa hindi malaman na dahilan. Para siyang kinakabahan pero bakit naman? Parang natili lang siya kanina a?

Isinawalang bahala ko na lang ang tingin dito at muling bumaling sa aking tapat na upuan, na dapat ay hindi ko na lang ginawa dahil sa mga binibigay nitong tingin sa akin. 

She is gripping the fork so hard dahilan kung bakit durog na ang kinakain nitong carbonara habang nakatingin sa akin masama. 

Kinakabahan naman akong nagpatuloy sa aking pagkain, iniiwasan na mapadako ang tingin dito. 

"Can we sit here too?" Tanong ng isa sa mga kasama ng dalawang professor. Napaangat ang aking tingin bago bumusangot ang mukha ng makita ang pangit na mukha ni Serena. Bakit ba nandito 'yan?

Dahil sa walang nasagot sa tanong nito at Adira, bilang isang mabait na nilalang ay tumango dito ng may kasamang mabait na ngiti. Halos lahat naman kami ay napatingin dito ng masama na ikinamaang nito. 

Kahit kailan ay napakahuli niya sa balita! 

Napaangat ang aking tingin kay Kale ng bigla itong umupo sa aking tabi habang hawak na bote ng tubig. Medyo naawa naman ako dito dahil lagi na lang siya nauutusan na bumili ng pagkain namin pero nawala din naman ng maalala na may utang pa nga pala siya sa akin.

Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️Место, где живут истории. Откройте их для себя