Chapter 17

5 2 0
                                    

There's a lot of things that happened for the past few weeks, Xhin, Eyo and I were luckily passed our examination. Nang malaman namin lahat ng scores namin in the eleven subject at naipasa namin lahat, we treat ourselves for doing a great job.

Bumili kami ng pagkain namin sa labas at saka kami umupo sa old stage at doon masyang pinagsaluhan ang aming tagumpay. Nakisali pa sa amin si Joke na pinagmamayabang ang isang palakol niya.

I'm playing the rendition of Nocturne op.9 no.2 of Frédéric Chopin here in my Music room on our house. I can't sleep and it's almost midnight but I'm still awake. After I tucked my brother on his bed, I tried to sleep. Nakatulog ako nang dalawang oras pero nagising muli ako sa isang masamang panaginip. Until then hindi na ako makatulog.

Sanay na ako. Palagi namang nangyayari sa akin 'yon and now, para kahit papaano ay malibang ako't hindi mag-isip ng kung ano-ano ay mabagal kong tinitipa ang bawat pwesa sa aking piano. Kasing lungkot ng musikong aking tinutugtog ang buhay ko. The melancholy music is soothing my ear and I love that, it feels like I am not alone anymore.

Habang patagal nang patagal ay mas nagiging marahas ang pagtipa ko dito, kasabay ng pagtulo nang isang butil ng luha sa aking pisngi. Pinagpatuloy ko ang pagtug-tog dito, hindi inalintana ang mga nagraragasang luha sa aking mukha. Sa rahas nang aking pagtipa ay siya ring paglakas nang isang tunog na naririnig ko, pilit kong ipinagsawalang bahala 'yon ngunit sa bawat tunog na nalilikha ng piano ay siya ring alingawngaw nito sa aking tenga.

"Stop!" I screamed on the top of my lungs while still playing the piano. My hands are trembling but I managed to play the musical piece.

"Tama na!"

The voice inside my head keeps repeating and it's irritating me so bad. I stopped playing the piano and covered my ears using my hands para hindi marinig ang mga halo-halong boses na aking nadidinig. But that's not enough to stop the voice inside my head.

"Ahh!" I painfully screamed. Napahawak na ako nang madiin ngayon sa magkabilang tenga ko dahil mas lumakas pa ang mga tunog na aking naririnig.

"Ding dong!"

"H-help us!" I pleaded. Nahulog ako sa aking kinauupuan at bumagsak sa malamig na sahig.

"M-mom... D-dad!" I mumbled while gasping for some air.

Gumapang ako sa sahig upang maabot ang seradula ng pintuan para makahingi sana ng tulong kay Nanay Nelda. Malapit na akong makaabot sa pintuan nang mamanhid ang buo kong katawan at hindi ko ito maigalaw. Nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang isang bulto ng lalaki, base sa kanyang pangangatawan ay di nagkakalayo ang agwat ng taon namin.

Inilahad nito ang kanyang kamay, hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil nakapatay ang ilaw sa kinaroroonan niya. Walang pagaalinlangan kong inabot ang aking kamay sa kanya.

"Takbo!"

Napapikit ako nang mariin dahil mas lalong lumakas at dumami ang mga naririnig kong tunog. I opened my eyes while crawling but to my surprise, the man on the door is not there anymore. Mas lalong nanginig ang aking kalamnan, pinunasan ko ang mga luhang nagsisituluan sa aking mukha.

Nang biglang may narinig akong mga habag ng paa papalapit sa kwartong kinalalagyan ko, napaatras ako't nanginginig na pinilit na tumayo pero muli lang akong napasalampak sa malamig na sahig. Bullet of sweats are forming on my forehead as the scary steps are getting closer to me. I gasped loudly when I saw a pair of shoes coming towards me.

"Iris!"

Someone shouted in front of me. Humahangos na nilapitan ako ni Xhin at pilit na itinatayo ako mula sa pagkakasalampak. Hinaplos-haplos niya ang aking likod kong nagtataas-baba nang marahan para patahanin ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

If You Just Let Me In (Highschool Series #1 )Where stories live. Discover now