Chapter 16

5 2 0
                                    

"Joke! kinakabahan kong tawag sa kanya." Hinablot ko kaagad ang kanyang kamay para tumigil siya.

"Let me handle this bastard, Iris." He said in a serious tone. Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa kanya 't nagsimula na namang maglakad.

"Fuck you!" I cursed. Mahina pero sapat para marinig niya.

Napatigil agad ito sa paglalakad at nag-aalalang tumingin sa akin.

"Sa tingin mo ba kaya mong labanan yong lalaki eh ang laki ng katawan niya samantlang ikaw isang hampas lang ng hangin sayo tumba kana!" galit kong saad.

His face softened at marahang lumapit sa akin.

"What do you want me to do? Hayaang bastusin ka ng lalaking yon?" He asked calmly and pointed the man.

"Oo! Anong magagawa mo kung hinawakan ka na sa leeg ng manyakis na yan, ha?! Joke mag-isip ka naman, please. Mamamatay ka sa kagaguhang ginagawa mo. Madadamay pa ang trabaho ko sa yo!!" I furiously exclaimed.

"Kaya ko siya, Iris. Trust me!" pagpupumilit niya, nagsusumamong tinignan pa ako nito.

"Go on! Makipag-away ka sa lalaking yon at kailan man hindi na kita kakausapin, tangina ka! Wala kang magagawa kung napatay ka niyan! Wala kang laban eh kung titignan mo." Galit kong sabi at dinuro-duro pa siya. The side of my eyes started to water kaya tumingala ako para pigilan ang pagtulo nito.

"Kung yon ang gusto mo s-sige. I-I just w-wa – Fuck!!" pagsuko niya. Ayaw niya sanang palagpsin to pero wala na siyang magagawa dahil wala.

"Kumakain naman ako nang marami. Nag-e-exercise regularly. I also eat healthy food pero bakit hindi kasi ako nagkakalaman," he sadly complained. Napa-upo na lang itong muli at nakatulalang pinaglalaruan ang tissue sa lamesa.

"S-sana Pwede kitang maipagtanggol sa manyakis na yon Iris kung malaki lang ang katawan ko 't malakas ako!" malungkot niyang sabi. Napatakip ito sa kanyang mukha gamit ang kanyang mga palad at nagsimulang magtaas baba ang kanyang balikat.

"H-hoy gago! Bat ka umiyak!?" natataranta kong tanong. I patted his back para patahanin siya dahil nakakakuha nang atensyon ang kanyang ginagawa.

"Joke, umayos ka nga!" galit kong utos sa kanya.

"Iris!" he mumbled.

A few moments after, he held up his head at pinunasan niya ang kanyang mukha na nabasa ng luha. Nanlilisik niyang binalingang muling ang lalaking naka-upo sa stool ng counter na may kausap ng babae.

"Babalikan kita kapag malaki na ang katawan ko 't malakas na ko. On that time, uugod-ugod ka na at mahina!" parang baliw niyang sabi at saka tumawa nang malakas sa huli kaya parang nawala ito sa katinuan. Napangiwi naman ako 't umiiling na iniwan siya dong patuloy na humahalakhak.

"Jerk!" I whispered and rolled my eyes.

"Nawalan naman na ata ng katinuan ang binatilyong 'yon mare." Narinig kong pinag-uusapang sabi ng mga matatanda sa isang upuan.

Napatawa akong nang pagak at bumalik na sa trabaho.

"BAKIT mo naman ako iniwan nang mag-isa don kanina, Baket ko!?" nagtatampong tanong ni Joke sa akin.

"Alam mo bang pinagtatawanan ako ng mga matanda kanina? Nakakahiya!! huhu! Pinagsamantalahan nila ang ka-inosentahan ko!" kunwaring umiyak pa ito 't pinunasan kuno ang pekeng luha niya. Tinakpan pa niya ang kanyang dibdib sa kaartehan niya.

"Umayos ka nga, palagi mo namang pinapahiya ang sarilli mo kaya wag kang magrekla-reklamo sa kin nang ganyan!" walang ganang sabi ko.

"Ba't ba ang sama-sama ng trato mo sa akin, Iris ko?!" kunwaring nagtatampong tanong niya. Nakasimangot pa ito at parang batang pumapadyak-padyak.

If You Just Let Me In (Highschool Series #1 )Where stories live. Discover now