Chapter 11

12 5 0
                                    

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na maglinis kayo tuwing umaga sa mga area ninyo!" Umalingawngaw ang galit na sigaw ni Teacher Joana sa loob ng apat ng sulok ng aming silid, walang gustong magsalita sa mga kaklase ko at ni kahit magtaas ng ulo ay walang may lakas ng loob.

Ako lang ang naka-angat ang ulo at tamad na nakikinig. Lunes na lunes sermon ang first lecture namin. Paano ba naman kasi na-special mention ang section namin kanina sa buong campus dahil mistulang tambakan ng basura ang mga area of responsibilities namin. Tapos dumagdag pa 'yong mga nag-cut ng klase noong sabado na kailangang humingi ng permit sa POD bago pumasok ng klase kaya parang may naka-buy one take one sale dahil sa haba ng pila.

"Kaya nga kayo grinupo ng lima para malinisan ang mga area natin tapos wala man lang sa inyo ang naglilinis! Be responsible enough students hindi na kayo bata, grow up!" Sigurado akong abot na sa flag pole namin sa harapan ang boses ni Ma'am.

She grabbed the unsegregated garbage that scattered on the floor and threw it outside our classroom kaya doon ito kumalat. Pinagsisipa pa niya ang mga basurahang walang laman at sobrang dumi at baho dahil sa mga pagkain na nabulok dito.

"Pati basurahan walang nagtapon, dalawang araw na nabulok dito sa loob ng classroom tapos parang wala lang sa inyo ang amoy!"

"Lahat ng nag-cutting classes no'ng sabado lumabas!" Nagulat naman ang iba kong kaklase and all of the mother cutters immediately go outside the classroom.

Hahaha hindi na naman ako maglilinis ng isang linggo. That's the rule, kapag nag-ditch ka ng kahit isang subject expect mo na lang na maghahawak ka ng cleaning materials ng isang linggo.

"Lyka, isulat mo yung Angelus at Memorare sa blackboard at para mahimasmasan naman kayo. You'll recite that one by one next meeting ang aangal bagsak sa Religion!" Utos nito kaya wala kaming nagawa.

Palagi na lang pagdarasal ang ginagawa namin dito sa paaralan, pagpasok mo ng umaga sasalubong sa'yo ang morning praise tapos kapag time na rosary naman at every subject may opening at ending prayer.

We can't blame anyone, we choose to attend a catholic school so we need to be cooperative to religious events and doings everyday. I'm not a religious person but I respect the others perspective and beliefs. May kanya-kanya tayong pinaniniwalaan and I believe that we need to respect that.

I lazily grabbed my bag at kinuha ang catleya at g-tech ko doon. Duh catleya para isa lang ang notebook ko no, ang daming book tapos tig-iisang subject na notebook ang dadalhin ko aba! Himlay!

Napatigil ako sa kalagitnaan nang aking pagsusulat ng mahalata kong pataas nang pataas ang sulat ni Lyka sa blackboard. Seriously?

"Lyka! Layo ka ng unti, tignan mo yang sulat mo umiiba na ng direksyon." Sita ko sa kanya na kaagad naman nitong sinunod.

"Ang arte mo talaga kahit kailan, at least naiintindihan." She rolled her eyes at pinagpatuloy ang pagsusulat.

"Ang tagal mo pang magsulat." Pang-iinsulto ko pa.

"Gusto mo pala ng mabilis edi ikaw magsulat!" Naiinis na niyang suhestiyon.

"Ako ba ang inutusan ni Ma'am?"

Muli itong umirap at saka nagsimulang magsulat ulit ng pataas. Kulay puti na rin ang palda niya dahil sa chalk. May eraser naman ba't kasi kamay ang ginagamit niyang pambura tapos ipupunas niya sa palda niya, mukha tuloy siyang espasol.

"Shit!" I jolted when someone poked my head slightly. Tama lang dahil triple ang ibabalik ko kapag masakit.

I shifted my gaze on the blackboard and faced the angel of God my guardian dear.

If You Just Let Me In (Highschool Series #1 )Where stories live. Discover now