Chapter 1

94 30 12
                                    

Chapter 1

"THANK you class, you may now clean your area of responsibilities!" Mr. Fritz announced to the class.

Nabalik ako sa katinuan ng magsalita si Sir sa aming harapan, napairap ako ng husto dahil sa sinabi ng aming guro. Linis na naman?

Parang isang mahika ang sinabi ni Sir Fritz sapagkat lahat ng kaklase kong may kanya-kanyang gawain ay napatingin sa kanya at naging interesado. Iyan ang paborito nilang salita, kahit kapapasok pa lang ng teacher minsan ay uwian agad ang nasaisip nila.

Why are they going to school if they always complaining and asking nonsense, dapat ay manatili na lang sila sa mga bahay nila kung ganon at syempre isa na ako roon. Sino bang hindi hiniling na bumilis ang oras para matapos na ang klase at tanong nang tanong kung anong oras na? Nagsimula na akong mag-ayos ng gamit ko at aalis na sana ng tanungin ako ni Eyo.

"Sasama kaba bukas Iris? birthday ni Xhanjo, yung cute na bata na may crush sayo." tanong niya na halatang kinikilig sa huling sinabi.

"Hindi muna, dadalawin ko pa si Aris sa hospital. Kantahan mo na lang siya ng Happy Birthday para sa akin." biro ko dito.

"Huwag ako Iris, baka kapag ako ang kumanta magsilayas lahat ng bisita nila." pagmamayabang niya na sinabayan ng tawa.

"Sige, mauna na ako at pupunta pa ako sa The Cup." sabi ko rito na tinanguan nito.

"Ewan ko sayo tatakas ka lang sa paglilinis eh." nang-aasar nitong sabi.

"Wala namang makakaalam kung hindi mo sasabihin." I smirked.

"Oo na umalis kana bago ka maabutan!" She pushed me to go outside the classroom.

Mabilis akong pumunta ng gate at kaagad na sumakay ng tricycle papuntang The Cup.

I'm the vocalist of our band that performs at the shop where I'm performing every weekends pero minsan kahit hindi, we're famous around our municipality kaya malaki ang kinikita ng shop ganun na rin kami hindi ko alam kung pati sa ibang panig ng Isabela ay kilala ang aming banda. But the owner which is Ate Sally urgently called us this morning na kailangan naming tumugtog dahil someone requested daw at dahil mababa ang kita ng shop for the past few days.

Nang dumating ako sa The Cup ay marami ng tao kaya kaagad akong pumunta sa counter para maging cashier muna dahil mamayang alas-sais pa naman ang umpisa ng live band at alas-kwatro palang.

"What's your order ma'am?" tanong ko sa babaeng customer habang nakangiti ng malawak, mukhang may naligaw na dayuhan dito sa tindahan.

"Can I have one Frappe and one chocolate cake please." sagot nito.

"Noted ma'am. You can now find a comfortable sit and relax. Thank you!" sagot ko dito, kaagad ko namang inayos ang order nito samantalang naghanap naman ito ng mauupuan.

Makalipas ang dalawang oras ay mas dumami pa ang mga customers at namumukhaan ko ang ibang nandito. I think we're schoolmates? Meron ding grupo ng mga babae that I'm sure they're from the school near ours also the boys that laughing outside ay pare-parehong estudyante, ang iba'y hindi na nagpalit ng damit at kaagad na dumiretso dito sa shop. Kaagad naman akong nag-ayos ng sarili dahil mayamaya ay maguumpisa na ang Live band.

"Welcome to The Cup! we are the The Stranger and we are giving you a wonderful performance tonight!" sigaw ni Cube ang Leader ng The Stranger at pianist sa grupo na siyang hiniyawan ng mga babaeng nanonood.

Nagsimula ng mag-strum si Cord sa kanyang gitara pati narin sina Music, Bridge at Cliff sa kani-kanilang instrumento. Halos lahat ay nakikisabay sa kantang kanilang inaawit, ang coffee shop na kinaroroonan namin ay sobrang gulo na at ang ibang upuan ay wala na rin sa ayos. Ang mga babaeng halos mawalan na ng boses kakatili at hampasan sa isat-isa, ang mga lalaking insecure at nakabusangot sa mga kasama ko.

If You Just Let Me In (Highschool Series #1 )Where stories live. Discover now