Chapter 14

1 3 0
                                    

SUMANDAL ako sa barrier na nagsisilbing harang sa gilid ng kalsada para hindi dumiretso ang mga sasakyan sa malalim na bangin dito. Nagtataas baba ang aking balikat dahil kinakapos ako ng hininga. Sa taas ba naman ng inaakyat namin.

"Corduroy can you carry me?" Eyo pouted at him and pulled the hem of his shirt. Pumunta ito sa likod ng binata at handa nang pumasan.

"Eyo maawa ka naman kay Cord, ang taas pa ng aakyatin natin oh." Sabi ko sabay turo sa kalsadang inaakyat namin.

"It's okay, Iris. Para rin naman sa bebe ko, she's already tired. It's my responsibility to take care of her." He smiled and shifted his gaze to Eyo who is giggling while her face is blushing.

"Edi sana all." Tanging nasabi ko atsaka nauna ng naglakad pataas.

"Joke pasanin mo rin kasi siya sa likod mo para hindi nakamisangot na naglalakad." Utos ni Eyo kay Joke na tumatagaktak ang pawis sa buong mukha. Humalakhak pa silang dalawa ni Cord at pinagpatuloy na ang pag-akyat.

"Makukuba ako ng maaga kung papasanin ko siya hanggang sa itaas. Hanggang round one na lang ang kaya ko kapag pre." They both chuckled on the last word.

"Nahiya naman ang timbang ko sayo, baka ikaw pa ang buhatin ko pataas." Inirapan ko ito at iniwan itong natigilan sa paghalakhak.

"Sandali Iris, bubuhatin na kita!" Natatarantang sigaw niya at hinabol ako.

"Sinabi ko ba?!" Sigaw ko ng sobrang lakas kaya umalingawngaw ito kaya nagsiliparan ang mga ibong nasa puno.

"Hala natakot ata sa sigaw mo Ris." Nakatakip ang bungangang sabi ni Xhin.

"Napagkamalan kang witch sa kaartehan mo?" Sigaw ni Eyo at sabay-sabay silang tumawang lahat.

"Tara na nga. Anong oras na oh, may nalalaman pa kasi kayong pa-one thousand steps diyan tapos hapon niyo gustong umakyat mga abnormal. Mga lamok ang sasalubong sa atin hindi yung sunrise." Singhal ko.

"Chill lang. Halika't papasanin na kita." Pumunta ito sa aking harapan at ibinend ang tuhod para makasakay ako.

"No need. Binigyan ako ni God ng paa." I rolled my eyes at tinulak ang likod nito kaya muntik na itong ma-out balance.

"Sige na Iris malayo pa ang aakyatin mo. Buong araw ka kayang walang pahinga, sige ka, babalik ka na naman sa hospital." Nag-aalalang pang-eengganyo ni Eyo.

"Halika na." Joke patted her back para senyasan akong pumasan na. He smiled at me and waited for my next movement.

"I don't need someone to carry me on their back." I said and leave them hanging.

"Oh ha english yorn!" Palakpak ni Eyo.

"Ang lalim nun ah." Sabi ni Xhin.

Nag-umpisa na rin silang maglakad lahat at sumabay si Xhin sa akin paakyat.

"Anong sabi pre? 'di ko naintindihan." Kakamot-kamot sa ulong tanong ni Joke kay Cord.

"Kaya ka daw niyang buhatin pre!" He teased and chuckled eventually.

"WOW!" Xhin mumbled. Her eyes is glistening in amusement in what she's looking right now.

It's a palette of pink, orange, yellow and blue that is making a wonderful phenomena, a sunset.

Halos maluha ako sa nakikita ko ngayon but I composed myself not to. I don't know, but everytime I'm seeing sunsets, sunrise, starry night, moon and the smell of petrichor. It feels like, a part of me is rejoicing on what I've witnessed. Parang panandaliang nabuo ako. Epekto siguro 'to ng pagkahilig ko sa mga ito.

If You Just Let Me In (Highschool Series #1 )Where stories live. Discover now