Part 88

58 3 0
                                    

Malapad ang ngiti kong naglalakad papuntang parking lot. Sa totoo lang, ngayon ko lang naramdaman ito. Iyong feeling na excited akong makarating kaagad ng parking lot dahil alam kong may naghihintay sa akin.

Patakbo akong lumapit sa puwesto ni Vincent habang suot ang mas malapad ko pang ngiti.

"Kumusta araw mo?" tanong niya agad sa akin.

"Good. How about yours?" balik na tanong ko.

"Mas maayos pa sa maayos, nasilayan ulit kita eh." Mabilis namang pinamulahan ang pisngi ko kaya mahina kong sinuntok ang dibdib niya.

Nagpasalamat ako nang ipagbuksan niya ako ng pinto.

"Hindi pala ulit kita mahahatid mamaya, hanggang 10 kami nina Kevin ngayon eh." sabi niya.

"Sasabay na lang ako kina Lorelei pag-uwi, nasa loob na sila ngayon eh." Tumango-tango naman siya.

Kumaway ako sa kaniya at saka sinundan ng tingin ang kotse niya hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko.

Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong-hininga bago pumasok sa loob.

AS#7: Muffin Roll and Soda || An Epistolary Where stories live. Discover now