Part 64

64 3 0
                                    

Nagkasalubong kami ni Lorelei sa hallway kaya naman sabay na kaming pumunta sa field at hinanap na si Yallah.

"There she is," turo ni Lei malapit sa soccer field.

"Tara." Hila ko sa kaniya.

Nang makalapit kami sa kaniya ay narinig namin siyang humihikbi kaya naman mabilis namin siyang tinabihan.

"Hey, why are you crying?" tanong sa kaniya ni Lei.

"Hindi ka ba masaya na nasa dl ka pa rin?" tanong ko rin.

"Syempre masaya ako, 'no!" sagot niya.

"Eh, bakit ka umiiyak?" sabay naming tanong ni Lei.

"Ano ba kayo, tears of joy 'to." ika niya saka mahinang tumawa. "Masaya ako dahil tatlo tayong nakasali sa dean's lister. Worth it 'yong puyat natin sa pagri-review." pagtutuloy niya.

"Kaunting push na lang, graduate na tayo." ika ni Lei.

"Ano plano niyo after graduation?" mayamayang tanong ko.

"Maghahanap na agad ako ng trabaho," sagot ni Yallah.

"Same. Gusto ko na rin kasing umalis sa bahay eh." sagot naman ni Lei.

"Ang gusto ko sama-sama tayong tatlo sa iisang bahay tapos hati tayo sa mga gastusin." ika ni Yallah.

"Nice idea!" sang-ayon naman ni Lei.

Nakangiti ako habang pinagmamasdan silang dalawang nagpa-plano ng future house kuno namin. I hope ganito pa rin ang turingan namin hanggang sa pagtanda namin.

AS#7: Muffin Roll and Soda || An Epistolary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon