Part 35

78 2 0
                                    

Busy ako sa pag-prepare ng pagkain naming tatlo nang lapitan ako ni Nisha.

"Ate, may kailangan kang malaman." Agad namang kumunot naman ang noo ko.

"Ano?"

"Si mama... nakita ko si mama kaninang umaga sa labas ng bahay, ate." Bigla namang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya.

Ano namang ginagawa niya rito? Matapos niya kaming iwan at ipagpalit doon sa amo niya, babalik siya rito?

"Huwag na huwag mo siyang kakausapin, okay? At kapag nilapitan ka niya or si Nash, lumayo kayo. Maliwanag ba?" Mabilis naman siyang tumango.

Kung sa tingin niya malalapitan niya ang mga kapatid ko, nagkakamali siya. Hangga't narito ako hinding-hindi ko hahayaang makalapit siya sa mga kapatid ko.

Simula noong iwan niya kami kinalimutan ko nang may nanay pa ako.

***

Nerissa Chua

Today, 8:03 pm

Nerissa:

Nak,, mzta n kyo...

Nak alm m b miss na miss ko na kyo ng mga kapatid m,, sna mapatawad mo ang mama ha?

If you reply, Nerissa Chua will also be able to call you and see info like your Active Status and when you've read messages.


Delete | Block

AS#7: Muffin Roll and Soda || An Epistolary Where stories live. Discover now