Part 26

81 2 0
                                    

Kasalukuyan akong naka-upo habang hawak ang reviewer ko. Ayaw kong bumagsak ngayong nalalapit na akong makapagtapos ng pag-aaral ko.

"Patabi ako ha?" Saglit ko namang sinulyapan si Kevin. "Sipag mo naman, sana all..." dinig kong bulong niya.

"Mag-review ka na rin nang hindi ka bumagsak," sabi ko nang hindi nakatingin sa kaniya.

"Excuse me, never akong bumagsak sa exam." sambit niya.

"Kaya nga, kung ayaw mong bumagsak edi mag-review ka na lang diyan."

Hindi na siya sumagot sa sinabi ko at nakita ko na lang sa peripheral vision ko na kinuha niya na rin ang reviewer niya ay nag-review na rin.

Pagkaraan ng ilang oras ay dumating na si prof kaya lahat ng reviewer na hawak namin ay mabilis na naming tinago dahil ayaw nito na may nakikitang nagri-review sa araw ng exam.

Nag-greet lang muna ito sa amin bago sabihin na mag-uumpisa na ang exam. Nag-sign of the cross ako at nagdasal na maipasa ang exam na ito.

AS#7: Muffin Roll and Soda || An Epistolary Where stories live. Discover now