Part 23

100 2 0
                                    

Since nalalapit na ang semi finals namin ay nagpaalam muna ako kay Miss Yvanilla na hindi muna ako papasok ng dalawang araw para mas makapag-focus ako sa pagri-review.

"It's okay, I understand. Good luck to your semi finals." Nakangiting sambit niya.

"Super thank you po talaga, Miss Yva," sabi  ko bago bumalik sa trabaho.

Maaga akong pinauwi dahil para raw mahaba ang oras ko sa pag-aaral.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pag-aaral ay biglang pumasok si Nisha sa kuwarto ko.

"Ate..." tawag nito.

"Hmm?"

"M-May extra pera ka po ba? May gagawin po kasi kaming project tapos ang mahal ng ambagan namin hindi sapat 'yong pera ko," sagot niya.

Sapat lang 'yong pera ko para pangbayad ko sa semi finals. Hays, hayaan na nga gagawa na lang ako ng paraan para mabuo ulit.

"Magkano ba ang kailangan mo?" tanong ko.

"Five hundred po..." hindi naman pala ganoon kalaki.

Agad naman akong tumayo para kunin ang wallet sa bag at saka dumukot ng five hundred at binigay sa kaniya.

"Thank you po, ate." Lumapit siya sa akin at saka niyakap ako. "Babayaran ko rin po ito kapag naibigay na po 'yong pera ko." Mabilis naman akong umiling.

"Huwag na, Nisha. Ayos lang sa akin kahit huwag mo nang bayaran," sabi ko.

"Sigurado ka po?" Tumango naman ako. "Maraming salamat po talaga ate!" saad niya bago lumabas ng kwarto ko.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagri-review ko at saktong alas diyes na ako natapos kaya naman niligpit ko muna 'yong mga notebook at libro ko bago matulog.

AS#7: Muffin Roll and Soda || An Epistolary Where stories live. Discover now