She cleared her throat after that. 

"Um, may itatanong lang kasi ako," mahinhin na saad nito kaya napatango ako, sa pagkain ang tingin. Ang sarap nung sisig dito. Buti na lang talaga nakapunta ako dito. Bukod sa mura na ang pagkain, quality pa.

"May kilala ka ba na magaling kumanta? O kahit marunong lang?" Napaangat ang tingin ko ng marinig iyon. Bigla naman pumasok sa isipan ko si Adira kaya napangiti ako.

"We were really desperate na kasi since malapit na 'yung school anniversary and we're assigned to perform," medyo alanganin na sabi nito sa akin kaya napatango ako bago mapainom ng tubig.

Si Adira kaya? Pero kasi ayaw no'n sa atensyon kahit na famous na siya rito sa university. Isa rin naman 'yong introvert kaya baka hindi 'yon pumayag. 

Pero desperate na daw sila e. Ano ba 'yan!

"S-Si Adira," I blurted out bago ko pa mapigilan ang sarili. 

Anak ka talaga ng tokneneng, Dione! Isusumpa ka talaga ng kaibigan mo pag nalaman niya 'to!

"Pardon?" 

"Si Adira Tuazon, magaling kumanta 'yon," pag uulit ko sabay ngiti ng malawak. She just creased her forehead at napaisip.

"A Tuazon?" She mumbled. Mukhang hindi nito kilala si Adira kaya kinuha ko ang aking cellphone para ipakita ang mukha ni Adira.

"Hindi ka familiar sa kaniya. Eto siya," saad ko at pinakita ang litrato namin ni Adira kung saan maganda ako. Aba, minsan lang 'to. Tuwing magkasama kami e siya lang 'yung mukhang maganda sa amin.

"Ayan si Adira. Maganda 'yan na medyo mabait. Magaling din 'yan kumanta kaya for sure makakahakot kayo ng atensyon lalo na at Tuazon 'yan. Alam mo naman ang mga Tuazon," sabi ko at nagtaas ng kilay. Napatango tango lang naman siya bago tumingin sa akin. It looks like she's interested na.

"Do you have a video of her singing?" Tanong nito kaya napakagat ako ng labi bago mapatango. Pinipigilan ko lang talaga na tumawa tuwing naalala ang video ni Adira na nakanta nung high school.

Naghalungkat pa ako sa gallery habang hindi mapigilan na mapahagalpak ng tawa. Hindi naman kasi nakakatawa 'yung boses niya dito, it's just that her style that time is really jeje. Like, come on! 

Naka-salamin pa siya noon, 'yung pang nerd talaga at 'yung bangs ay parang kay Cleopatra. She has bob cut din that time kaya matatawa ka talaga.

Every time nga na nakikita niya 'yon ay napapahampas siya sa akin sa kahihiyan dahil ang pangit niya daw doon. Inis naman siya lagi e.

"Her voice is soothing. It's perfect," nakangiti nitong saad, sa video ang tingin habang pinapanood si Adira with a fond look on her face. Naningkit ang mata ko sa nakita. 

Hmm, bading 'to.

Tinago ko na ang cellphone at taas noong tiningnan ito, "Okay na ba si Adira sa inyo?" Tanong ko kaya napatango ito ng may ngiti sa labi.

"Yes. Thanks a lot, Dione," sabay ngiti. Nginitian ko lang din naman 'to ng matiwasay bago bumalik sa pagkain. 

Maya maya ay nahagip ng aking mata ang isang pigura na mukhang kanina pa ako pinapanood dito sa loob. 

She is leaning on her car with her arms crossed, looking at me like I did something illegal by just looking at those menacing glares. 

Natatakot man sa mga binibigay nitong tingin ay hindi ko pa rin maiwasan na mamangha kung gaano ito ka-cool ngayon kahit na napaka simple ng outfit niya.

She was just wearing a plain white shirt tucked in her black slacks. Suot niya rin ang kaniyang oxford shoes pati na rin ang kaniyang lab coat. Nang makita iyon ay napagtanto ko na kakagaling lang nito sa hospital.

Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️Where stories live. Discover now