"Uuwi ako pagkahatid ko sayo."

"Hindi ka mag-o-over night dito?"

He took a few steps until he reached the chair next to her. He sat on it with a wide legs.

Ibinaba niya ang tingin at nakita na halos magtama ang mga sapatos nila. Her feet is in between his.

"Hindi."

"Bakit hindi? Kasama mo naman ang mga kaibigan mo dito."

"Wala ka naman," he said as if that's the only reason why he won't do overnight.

Itinago niya ang ngiti. Iniwas niya ang tingin nang titigan siya ni Grego. Hindi niya kakayanin na malaman nitong natutuwa siya sa dahilan nito.

If only she could stay tonight, she would! Hindi niya pa nararanasan ang mag overnight kasama ang mga kaklase o kaibigan. Mga bagay na masayang gawin sana.

Kung magpapaalam ba siya sa lola Salma niya, papayagan kaya siya?

"Paano kapag pwede akong mag overnight?"

Grego pursed his lips. He didn't speak, so she continued.

"Kapag nagpaalam ako kay lola, baka payagan niya ako? Basta kayo nila Chantria ang kasama ko."

"Gusto mo ba talaga?"

Charlotta nods her head with a smile. "Oo. Gusto kong maranasan ang mag overnight kasama ang mga kaibigan ko."

Grego took a breath. Umayos ito ng upo at para bang hindi komportable sa kung ano.

She placed her hand on his thigh to get his attention again.

Bumaba ang tingin nito sa kamay niyang nasa hita. At nang mag angat ulit ng tingin sa kanya, namumungay na ang mga mata.

"Pwede bang umuwi muna ako para makapagpaalam kay lola?"

Grego massaged the bridge of his nose as if something is really stressing him out. He sighed again.

"Sasamahan kita sa inyo."

Kulang nalang ay mapa-atras si Charlotta o kaya'y mapatayo mula sa inuupuan. Umawang ang labi niya at gustong mag protesta ngunit walang lumalabas na salita.

"Responsibilidad kita, Charlotta. Gusto kong mapanatag ang lola mo habang wala ka buong gabi."

"Uhh, Grego..."

"Let's go?"

Ang ngiti niya ay unti-unting sumilay. Tumayo siya at desidido na magpaalam sa lola niya. Sana lang ay pumayag.

Grego changed his uniform first. They went back to his car after. Bago sila umalis ay tinawagan nito si Chantria upang ipaalam ang plano nila. The line was connected to the speaker of the car that she can also hear the conversation.

"Really? Then tell her to bring extra clothes. Kasi di ba, magtatrabaho siya sa azucarera kinabukasan? O kaya ay wag mo na siyang pagtrabahuin, Grego. Do'n na lang siya sa amin!"

"I still need to ask her if what are her plans for tomorrow," then Grego glanced at her.

"Uh, may trabaho kami bukas kaya hindi kami pwedeng manatili pa ng Sabado, Chantria."

"Let Grego work for both of you. Ano ba 'yan! Para naman kayong mag asawa! Dapat talaga sabay magpunta sa azucarera? Hindi pwedeng maiwan 'yong isa?"

Chantria kept on ranting.

Samantalang hindi na nakapagsalita si Charlotta dahil sa lahat ay may katangi-tangi na tumatak sa isipan niya.

Para raw silang mag asawa ni Grego? Bakit nito nasabi 'yon? Gano'n ba talaga? Sobra na ba silang close? At hindi na nila napapansin 'yon?

La Carlota 1: Reaching the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon