TWENTY-SEVEN

12 3 0
                                    

Noah's POV


"Zach!" Malakas na sigaw ko nang makita ang prinsipe na bigla na lang natumba sa sahig. Dali-dali akong tumakbo papunta sa gawi niya at tiningnan ang kalagayan niya.

Puno ito ng sugat at mga natuyong dugo. Hindi ko na mabilang ang sugat niya, gano'n kadami. Marami ang natuyong dugo pero marami rin ang hindi pa at halatang bago pa.

He looks like he really suffered alot. He looks like he's been trough hell before we came.

Tiningnan ko kung humihinga pa ito at nakahinga ng maluwag ng makitang maayos pa naman ang paghinga niya at tibok ng puso niya.

Pero kailangan na siyang madala sa ospital kaagad. He's losing so much blood! He also lost his consciousness.

Napasinghap ako nang makita ang tama ng baril sa kanang hita nito. Patuloy pa rin iyon sa pagdurugo!

"Let's take him to the hospital as soon as possible!" Abraham shouted.

Hindi ko man lang napansin na nasa tabi ko lang pala siya. Madalas mong hindi kakikitaan ng reaksiyon si Abraham dahil palagi lang itong seryuso lalo na kapag nasa misyon kami. Pero ito siya ngayon at alalang-alala sa prinsipe--sa kaibigan namin.

"You, Lazarus and Thomas. Take him to the hospital now. Kami na ang bahala rito. Susunod na lang kami sa inyo." Saad ko at balak na sanang tumayo para puntahan si Jericho pero natigil din ako nang humawak sa braso ko at nakita kung si Abraham iyon. "What?" Takang tanong ko.

"You will go with us, Noah." Seryusong saad nito habang deritsong nakatingin sa mga mata ko. Sandali naman akong nagtaka sa iniasal nito pero inalis ko rin naman kaagad iyon sa isipan.

"Okay.  Let's go." Aya ko sa kanila kaya kumilos ang mga ito at pinagtulungan na buhatin si Zaccheus. Nilingon ko ang iba na siyang maiiwan at tinanguan naman nila ako. Hawak na nila ang mag-ama kaya wala na akong dapat na ipag-alala pa.

"To the nearest hospital, Kyo!" Sigaw ko sa lalaki na naghihintay sa amin.
Tumango ito kaya agad na naming edeneritso si Zaccheus sa loob ng helicopter.

Bago ako makapasok ay nakita ko pa ang mga butler namin na na mukhang tapos na rin na ubusin ang mga alalay ng mga duke.

Nang nasa himpapawid na kami ay wala pa ring malay si Zaccheus. Namumula na rin ito at humihina na ang tibok ng puso niya kaya mas lalo kaming nag-alala.

I will really kill those damn traitors!

Hintayin niyo lang na maging ligtas si Zach, babalikan ko kayo at ako mismo ang papatay sa inyo! I will make you suffer until you can't beg for your life anymore! I will give you a painful and unforgettable death, you piece of shits!

Kaya mas pinili ko kanina na magpaiwan kesa sumama sa kanila kanina dahil gusto kung saktan ang mga traidor na iyon. Gusto kung ibalik ng triple lahat ng ginawa nila kay Zach. I want them to suffer. I want them to feel the pain that Zaccheus had felt when they hurt him.

We already knew that they are our enemies. We already knew that they're also the mastermind of the kidnapping incident of the prince back then. Pero dahil hindi sapat ang ebidensya na mayroon kami ay hindi namin ang mga ito magalaw-galaw.

"Matagal pa ba?! Zaccheus is losing so much blood!" Sigaw ko habang patuloy na dinidiinan ang tama nito para hindi dumugo. Mukhang matagal na siyang nabaril pero dahil sa patuloy na pagbugbog sa kaniya ay natatamaan iyon kaya patuloy na dumurugo.

Walang may sumagot sa akin dahil lahat din sila ay lutang at balisa habang nakatingin sa prinsipe. Pero ramdam ko na pababa na ang helicopter kaya hindi ko na kailangan na tanungin pa ulit sila.

THE BOSS Where stories live. Discover now