EIGHTEEN

7 1 0
                                    

Zach's POV




"Zaccheus. Zaccheus. Let's play, Zaccheus." Pangungulit ni Noah habang nililibutan ako kasama nila Fubu at Dior.

"I'm tired, Noah." I sighed.

"But you're not doing anything, ah? Why you're tired? Sige na, let's play, Zach." Patuloy itong nakikipaghabulan sa mga aso palibot sa akin.

"Huwag masyadong makulit, Noah. Baka mahulog ka sa pool." Suway ko rito at sinarado na ng tuluyan ang librong binabasa.

"I'm not that careless, Zach." Lumabi pa ito matapos na tumigil sa mismong harapan ko.

Napatitig ako sa kaniya ng ilang sandali bago huminga ng malalim at maingat iyon na pinakawalan. Hindi ako nagsalita at wala sana akong balak na magsalita pero masyadong makulit itong nasa harapan ko.

"Let's play, Zach. I'm really bored. I want to do something fun for today so please play with me." Dumukwang ito at inilapit pa ang mukha sa akin habang nakangiti ng matamis.

Napatitig akong muli sa mukha niya kaya mas lalo namang lumaki ang ngiti nito at lumiit ang mga mata. He looks like a puppy. Bumuka ang bibig ko pero hindi kaagad nakapagsalita. Bumaba ang paningin ko sa nakangiti nitong mga labi at wala sa sariling napatitig doon ng matagal. Mas matagal kesa sa pagtitig ko sa mukha niya. "What..." Unti-unti kung ibinalik ang paningin sa mga mata nito at iyon naman ang tinitigan. "...do you want to play?"

"Dodgeball!" Masayang sagot nito. Hindi pa rin nagbabago ang posisyon niya. Nakadukwang pa rin ito sa akin.

"You need many players if you want to play dodgeball, Noah. The more, the better." Saad ko at binuklat ulit ang libro na hawak. "Ayain mo muna ang iba pagkatapos ay balikan mo na lamang ako rito kapag marami na kayo. Hindi tayo puwedeng maglaro ng dodge ball na tayong dalawa lang."

Natahimik naman ito pero hindi pa rin umaalis sa kaniyang puwesto. I'm curious if he's not tired in his position. Kanina pa ito nakadukwang sa akin. Dahil hindi makapag-focus sa binabasa ay nagtaas akong muli ng tingin sa kaniya at napabuntong-hininga na lamang nang makitang nakangiti pa rin ito ng malawak.

"What's with that smile, Noah?" May ideya na ako kung ano ang nasa isip nito ngayon pero mas pinili ko pa rin na magtanong.

"Please ask them to join us, Zach. Sigurado kasi na sasali kaagad sila kapag ikaw ang nag-aya, eh." Ngumuso ito at biglang lumungkot ang ekspresiyon. "Tiyak na hindi sila sasali kapag ako ang nag-aya. Palagi na lang silang may rason para hindi makipaglaro sa akin." Bumagsak ang mga balikat nito at nawala ang masayang aura niya. Nasa mga paa niya na ang paningin ngayon.

"Ask them to join us. Sabihin mo na ako ang nag-aya. Kapag hindi sila pumayag na makipaglaro sa'yo ay hindi sila makakakain ng hapunan mamaya." Utos ko rito.

Ibinalik nito ang paningin sa akin at bumalik na rin ang masayang ngiti sa labi niya. "Puwede kung gawin 'yon?"

"Hm. Puntahan mo na sila. Then we will play dodgeball." Itinaas ko ang kamay at ginulo ang buhok nito. Napapikit naman ito dahil sa ginawa ko kaya tumaas naman ang gilid ng labi ko.

He looks like a puppy.

"I will ask them all, 'kay?" Masayang tanong pa nito. Kumikinang ang mga mata at mababasa mo talaga ro'n ang saya.

"Okay." Iyon lamang ang isinagot ko at tiningnan itong tumakbo papunta sa loob ng bahay. Napailing na lamang ako nang marinig itong sumigaw para tawagin ang iba.

He's really an energetic one.

Ibinalik ko ang paningin sa libro na binabasa pero wala ro'n ang isip ko. Nakatitig lamang ako sa libro habang inaalala ang mukha kanina ni Noah. Tumaas namang muli ang gilid ng labi ko nang mag-pop up sa isipan ko ang masayang mukha niya. Palagi ko itong nakikitang nakangiti pero kanina ko lamang ito mas natitigan ng malapitan.

THE BOSS Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ