TWENTY-ONE

12 1 0
                                    

Noah's POV

Pagmulat ng mga mata ko ay tumama kaagad iyon sa kisame ng living room. Napalabi na lamang ako ng maalala na nakatulog ako habang nag-uusap kami ng iba kung kasama.

'It's rude, Noah. Bakit mo sila tinulugan.' Saad ng isang bahagi ng utak ko.

"Because I'm sleepy." Pabulong na sabi ko at balak sanang bumangon pero napabalik din kaagad sa pagkakahiga dahil sa isang pamilyar na kamay na nasa dibdib ko at sa tabi nito ay may libro.

Zaccheus?

Nagtaas ako ng tingin hanggang sa makita ang mukha nito at hindi nga ako nagkamali dahil si Zaccheus nga iyon.

Dahan-dahan kung hinawakan ang kamay nito at itinaas saka bumangon at inilagay sa throw pillow ang kamay niya. Walang ingay na naglakad ako papunta sa likod ng sofa at tiningnan ang mukha ni Zaccheus. Nakapikit ito pero bahagyang nakakunot ang noo. Mukhang hindi maganda ang iniisip nito habang natutulog.

Is it about his past again?

Napalabi ako na lang ako at hindi maiwasan na malungkot para sa kaniya.

Everyone suffered including myself but his case is really far from the others. He suffered the most. Hindi maikukumapara ang pinagdaanan namin sa pinagdaan niya. Kung ako ay isang beses lang na naranasan na dukutin puwes siya ay mahigit sampung beses ng naranasan na dukutin. And in every one of those case was living hell for him. Palaging nasa life and death situation ang buhay nito.

Naalala ko pa yung unang beses na dinukot siya. Umuwi itong puno ng sugat at pasa. Kahit sino nakakita sa kaniya ay napahagulhol na lamang. Ang prinsipe ay nasa kahabag-habag na sitwasyon. Makikita mo sa mga sugat at pasa nito ang pinagdaanan niya. Tapos nalaman pa namin nang dalhin siya namin sa ospital na halos sampu sa mga buto sa katawan niya ay nabali o hindi kaya ay may sira. Ang mga doctor ay nagtanong sa hari kung ano ba ang pinagdaanan ng prinsipe at napunta siya sa ganoong lagay. Milagro na lang daw na nabuhay pa ito dahil sa mga natamong pinsala ng katawan niya. Pero maski isa sa mga tanong ng doctor ay hindi nasagot ng hari dahil hindi naman nito alam ang tunay na nangyari. Tanging si Zaccheus lang ang nakakaalam niyon.

Halos nasa isang linggo rin bago ito nagising. Pinangiliran ng luha ang lahat nang agad itong manghingi ng pagkain. Iyon kaagad ang lumabas sa bibig niya pagkagising na pagkagising. Halos lahat ng naroroon ay umiiyak habang pinagmamasdan siyang kumain na para bang gutom na gutom. Iyon ang unang beses na nakita namin ang prinsipe na kumain gamit ang parehong kamay at sobrang bilis.

At mas lumala pa ng pangalawa hanggang panglimang beses. Bumabalik siya sa amin na halos nasa bingit na ng kamatayan. Sa pangalawang beses ay nakauwi ito ng buhay pero edeneritso rin siya sa ospital. Kagaya ng nauna ay marami rin ang bali ng mga buto niya. Maraming pasa na naging dahilan para lagnatin ito ng halos isang buong linggo. Pero ang ulo nito ang labis na nagtamo ng pinsala dahil natamaan ito ng matigas na bagay. Ilang buwan ulit siyang nanatili sa ospital para matingnan ng maigi ng mga doctor minu-minuto. Ang Hari at Reyna ay nandoon din at pati na kami.  Kagaya ng nauna ay umiyak ulit kami habang pinapanood itong kumain na parang gutom na gutom. Nang umayos ang lagay niya ay napagdesiyonan na ng hari na iuwi ang prinsipe. May limang doctor na nananatili sa palasyo para tingnan ang lagay ni Zaccheu minu-minuto. Nagugulat na lang kami ng bigla na lamang itong sisigaw habang hawak-hawak ang ulo. Ang tanging ginagawa na lamang ng mga doctor ay patulugin ito para kumalma. Halos isang buwan na gano'n ang naging sitwasyon. Para kumalma ay pinapatulog ito ng mga doctor kapag nagwawala.

Naging maayos muli ang buhay ni Zach matapos mangyari ang pangalawang pagdukot sa kaniya. Naging normal ulit ang buhay niya. Nakakapaglaro na ito kasama kaming mga kaibigan niya. Nakakatawa na ulit ito.

THE BOSS Where stories live. Discover now