NINETEEN

8 1 0
                                    

Zach's POV

Nagpatuloy ang laro at wala ng gustong huminto. Lahat kami ay pare-pareho ng tagaktak ang pawis at naghahabol ng hininga.

Lahat kami maliban sa dalawa ay patuloy pa rin sa paglalaro hanggang ngayon. Walang may gustong matanggal kaya hanggang ngayon ay wala pang may naaalis simula ng matanggal si Misery kanina. Halos dalawang minuto na kaming nagpapasahan ng bola. Walang boss o butler ngayon. Pare-parehong player ang tingin namin sa isa't-isa.

Mas lalong bumilis at lumakas ang bawat paghagis ng mga player sa bola kaya mas lalong nag-iingat ang lahat para hindi matamaan.

Tinanggal ko sandali ang salamin na suot para punasan iyon dahil nalagyan na ng pawis. Walang kahirap-hirap kung naiwasan ang bola na balak sana akong tamaan na ibinato ni Thomas.

Isinuot kung muli ang salamin at pumuwesto na tila handa ng umatake at sumalo. Pero bago pa ako makahagis ay natanggal na si Jacob na siyang isa sa mga kasama ko.

"That hurts, Lazarus." Angil nito sa pagod na tono. Hawak-hawak nito ang tiyan na natamaan ng bola. "Ipaghiganti mo ako, Noah. I'm counting on you." Saad pa nito bago tuluyang lumabas at dumeritso sa bench. Agad naman siyang binigyan ng maiinom ni Curse at si Misery naman ang nagbigay sa kaniya ng towel na pamunas.

May mga inumin, pagkain, at towel na ang mga ito. Umalis sila kanina para kunin ang mga iyon. Bumalik kaagad sila sa butler mode matapos na ma-out sa laro.

"Leave this to me, Jacob!" Sigaw ni Noah habang kumakaway sa lalaking nasa bench pero kahit gano'n ay nakaiwas pa rin nang batuhin siya ni Sheol na mukhang proud na proud at manghang-mangha sa ginawa ng amo niya.

Pero dahil masyado itong napatitig sa amo niya ay hindi na niya napansin ang bola na ibinato ni Abyss.

Agad akong napaiwas matapos makita na dinampot ni Elijah ang bola at inihagis iyon papunta sa gawi ko.

"Nice dodge." Nakangiting saad pa nito.

Nagkibit-balikat lang naman ako at umiwas ulit dahil pagbalik na pagbalik ng bola sa gawi nila ay agad din iyong inihagis pabalik ni  Gehenna dahilan para matamaan si Hades. Pero kinuha naman kaagad ni Paul ang bola at inihagis iyon pabalik kay Gehenna dahilan para matamaan ito at nasama pa si Agony. Pareho silang natamaan sa tagiliran.

"Two points for sharp shooter, Paul!" Sigaw ni Paul at humalakhak.

"Ang galing mo talaga, Paul." Pumalakpak pa si Noah habang nakaharap kay Paul.

"Syempre, ako pa ba?" Humalakhak ulit ito, mas malakas kesa sa una.

"Don't laugh yet, you fools!" Sigaw ni Abraham at ibinato ang bola at natamaan din nito ang dalawa naming kasama. Abyss and Chaos.

Si Abraham naman ngayon ang humalakhak, nang-iinis. Alam kung gusto nitong inisin ang dalawa kung natitirang kasama.

"You will pay for what you've done!" Ibinato ng malakas ni Noah ang bola papunta kay Abraham  pero nasalo naman iyon ng isa at ibinato rin pabalik.

At silang dalawa na lamang ang nagbatuhan. Bawat paghagis ng bola ay mabigat at malakas. Bawat pagsalo ng bola ay mabilis at matatag. Kapag inihagis naman nila ito ay humihiyaw ang hangin.

Pero mukhang hindi naisip ni Noah ang sunod na gagawin ni Abraham na hindi ko rin naisip na gagawin nito. Imbis na ihagis ang bola papunta kay Noah ay ipinasa niya muna ito kay Elijah na siyang nagbato niyon papunta kay Noah.

Dahil hindi inaasahan ay hindi kaagad nakagalaw si Noah sa kaniyang kinatatayuan. Sobrang lakas ng pagkakahagis ni Elijah kaya tiyak na masasaktan talaga ito kapag natamaan.

THE BOSS Where stories live. Discover now