Kaagad nanlaki ang mga mata ko sa narinig saka ngumiti ng malawak.

"Talaga po?! Ano po 'yun?" nakangiting tanong ko naman.

"F-family driver lang naman ako anak, pero malaki ang sahod ko. Pwede na tayong makakain sa isang mamahalin na restaurant sa sahod ko." tugon ni papa at kinakabahang ngumiti.

Sinubukan na ni papa ang iba't ibang uri ng trabaho pero hindi naman siya nagtatagal at ngayon ay driver nanaman siya.

Naaawa ako kay papa dahil ginawa niya talaga ang lahat para lang may makain kami araw-araw at para makapagtapos kami ng pag-aaral. Sabi niya gagawin niya raw ang lahat para makapagtapos kami at hindi matulad sakanya.

Minsan, nasasaktan ako sa pagmamaliit niya sa kanyang sarili. Pilit niya ring ngumiti sa harapan namin kahit na alam naman namin ni kuya na nasasaktan din siya.

Ang dami niyang sakripisyo para sa'min. Hindi na niya iniisip ang kanyang sarili kundi kami lang.

Kami lang ni kuya.

"M-mga a-anak?" kinakabahang sambit ni papa dahilang napabalik ako sa reyalidad, "p-pasensya na talaga ha kung ito lang ang nahanap kong trabaho, maghahanap pa ak-"

Hindi ko siya pinatapos at agad siyang niyakap nang mahigpit.

Nagulat siya sa aking ginawa pero gumanti rin siya ng yakap, "O-oh? B-bakit? Okay ka lang ba anak?"

"Salamat pa, " sabi ko, "Salamat sa lahat ng mga ginawa mo para sa 'min."

Salamat talaga pa.

Kahit na mahirap lang kami, masaya parin ako na may ama kaming mapagmahal, mabuti, malakas, at masipag.

Narinig ko naman siyang mahinang tumawa saka hinahaplos-haplos ang likod ko.

"Walang anuman anak. Basta mag-aral lang kayo ng mabuti ni kuya Kenneth mo, masaya na ako," malambing na sabi niya habang hinahaplos ang likod ko.

Pangako pa, tatapusin ko ang pag-aaral ko.

"Saan ka pala magtratrabaho pa? Sa probinsya nanaman?" kaagad kaming napatingin kay kuya Kenneth nang bigla siyang magsalita. Seryoso siyang nakatingin sa 'min habang kumakain.

Waw. Nagsalita si robot.

"A-ah oo... Sa probinsya. Tuwing linggo lang pala day off ko kaya doon narin ako matutulog. Kayo lang ni Krystal ang matitira sa bahay palagi,"

Paktay...

Kaagad nanlaki ang mga mata ko sa narinig at napalunok ng laway.

Tumingin naman si kuya sa 'kin at bigla nalang ngumisi.

"Kami lang?" tanong niya.

"Oo. Kaya bantayan mo palagi ang kapatid mo. Mga malalaki na kayo, alam niyo na ang tama at mali basta huwag na huwag  kayong mag-away ha, lagot talaga kayo sa 'kin." tugon ni papa.

Loh. Si koya kaya 'yung umaaway sa akin.

Bigla namang uminom ng tubig si kuya habang seryoso paring nakatingin sa 'kin. Umiwas ako kaagad ng tingin saka bumalik sa upuan ko.

P-pa... S-sasama nalang ako sa 'yo.

"M-may tanong pala ako pa, bat sa probinsya ka palagi nagtatrabaho kung pwede naman dito? Para hindi ka na rin mapapagod sa byahe," pag-iiba ko ng usapan.

Nakita ko naman siyang napalunok ng laway na parang hindi inaasahan ang tanong ko.

"W-wala kasi akong mahanap na trabaho dito t-tas gusto ko don." kinakabahang sabi niya.

Rikion HighWhere stories live. Discover now