Naramdaman ko naman ang marahang paghaplos ni Mommy sa likod ko.

"Stop crying, baby. Makakasama iyan sa anak ninyo. Hindi ka pwedeng ma-stress. Pray, anak. God will always answer your prayers. Trust on Him. Malalagpasan din natin 'to." pag-alo sa akin ni Mommy.

"Mommy hindi ko kayang mawala si Phoenix. Ang sakit lang na makita siya sa ganitong sitwasyon. Pakiramdam ko unti-unti akong nanghihina. He was always there for me. Wala siyang ibang ginawa kundi mahalin ako pero palagi na lang siya nasasaktan ng dahil sa akin."

"Anak, walang nagmamahal ng hindi nasasaktan. Malalagpasan din natin ito. Kung panghihinaan ka ng loob, paano naman ang bata sa sinapupunan mo? Saan huhugot ng lakas si Phoenic kung ikaw mismo sa sarili mo sumusuko ka na?" malumanay na wika ni Mommy.

Niyakap niya ako nang mahigpit. Napatingin ako sa pinto nang pumasok doon ang pamilya ni Phoenix.

Tita Lara was crying nonstop like me kaya mas pinili nila na pwersahang iuwi kami.

Nasa mansyon ako at tahimik na umiiyak sa kama.

"Ate Yell..." bungad ni Cinnamon nang makapasok siya sa kwarto ko.

Inilapag niya sa ibabaw ng kama ko ang maliit na table kung saan nakalagay ang mga pagkain.

"Simula kanina hindi ka pa kumakain. Makakasama sa inyo ng baby mo 'yan." mahinang sabi niya.

Umiling ako sa kanya. Halos hindi ko siya makita dahil sa panlalabo ng mga mata ko gawa ng mga luhang ayaw tumigil sa pagtulo.

"Wala akong gana. I want to be with Phoenix. Paano kung magising siya na hindi ako nakikita? Mag-aalala 'yun."

"Hindi ba mas mag-aalala si Kuya kapag nakita niyang napapabayaan mo ang sarili mo? Ate naman. Nasa ganyan ka na namang sitwasyon eh. Natatakot ako para sa iyo at sa magiging anak mo."

"Kasalanan ko, Cin. Kasalanan ko kung bakit nahihirapan si Phoenix ngayon. Para akong lason sa buhay niya."

Hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ko.

"Hindi totoo 'yan. Alam mo kung gaano ka kamahal ni Kuya Phoenix. Hindi niyo naman kasalanan kung may mga masasamang tao na gusto kayong saktan. It will never be your fault. Alam mo kung ano ang magiging kasalanan mo?"

Napatitig ako sa kanya. Napabuntong hininga naman siya.

"If you will repeat the same mistake, Ate Yell. Sa tingin mo ba kapag pinabayaan mo na naman ang sarili mo, ikaw lang ang mahihirapan? No. Ang inosenteng bata sa sinapupunan mo ang masasaktan."

Nanigas ako sa kinahihigaan ko at nilukov ng takot ang puso ko. No. Not again.

"No, Cin. No." nakatulalang sabi ko at napahimas sa impis ko pang tiyan.

"I have no intention on scaring you, but I just want you to be aware of what might happen if you're going to let yourself suffer. You know how much I love and care for you, Ate Yell. Please naman. Take care of yourself. Stop drowning yourself in deep agony."

Napaupo ako at mabilis na niyakap si Cinnamon ng mahigpit. Pakiramdam ko sampal sa akin lahat ng sinabi niya.

I am being selfish again. Hindi ko inaalagaan ang sarili ko at nagpapalamon na naman ako sa dilim.

I have to be strong. Not just for myself but for everyone that I love. Hindi pwedeng lagi na lang akong mahina at magmumukmok.

If I truly love my child, I won't risk my health and body. Kailangan kong maging malakas para sa anak ko.

"Salamat, Cinnamon. Thank you for being there for me." bulong ko sa kanya.

"Anything for you, Ate. Since then, sa isa't isa lang naman tayo humuhugot ng lakas. You can always count on me." sabi niya.

Bumitaw ako ng yakap sa kanya at hinawakan siya sa kamay niya.

"Thank you for always knocking on my senses, Cin."

"No worries, Ate. Kumain ka na at lumalamig na ang pagkain mo. You have to eat a lot para maging healthy si Baby." nakangitin sabi ni Cinnamon.

Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko  at iniabot sa akin ang kutsara.

Nang matapos ako sa pagkain ay umalis din naman si Cinnamon dahil may kailangan siyang asikasuhin.

Nanatili naman akong nakaupo sa gitna ng kama ko. Marahan kong hinimas ang tiyan ko at napapikit.

"Lord, I know I've never been a good woman. Marami akong naging kasalanan at pagkukulang. I seldom pray because I was always too busy mending my own heartache. Nakalimutan ko na ikaw lang naman ang bukod tanging makakatulong at makakapag-hilom sa akin..."

Nagsimulang mag-unahan ang mga luha ko.

"I am sorry, Lord. I am deeply sorry for being a sinner. Sorry if I stayed too much in darkness instead of holding onto you. Please forgive me. Please help me. Kailangan ko po kayo. Huwag niyo pong pababayaan si Phoenix at ang magiging anak namin..."

Napahikbi ako at napasubsob sa mga palad ko.

"Mahal na mahal ko po ang pamilya ko, Panginoon. Hindi ko po kayang mawala sila sa akin. Alam kong marami akong naging pagkakamali sa buhay at lubos po akong humihingi ng tawad. If only I could turn back time, hindi ko po hahayaang mapalayo sa inyo. Hindi ko po sana nararanasan lahat ng consequences na 'to at ang mga mahal ko sa buhay ang nagbabayad lahat ng kasalanan ko..."

"Kayo lang po ang laging nagliligtas sa akin pero napalayo ako sa inyo dahil hinayaan kong maging malungkot ang sarili ko at magpadala sa galit. Lord, I'm sorry. Please... Please save us from this misery. Nagmamakaawa po ako. Save, Phoenix. I love him so much. I can't lose him. I can't see him suffering."

________________________

H/N: 1 more chapter to go + Epilogue! ❤️

Maraming maraming salamat sa lahat ng sumusuporta at nagmamahal sa mga kwentong isinusulat ko! You don't know how much it means to me kapag nakikita ko iyong mga messages and comments niyo.

I love you all so much! 🥺❤️ Isang mahigpit na yakap para sa inyo!

XOXO

Lascivious Series #3: Drive Me Crazy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon