110

77 2 3
                                    

Halos tatlong oras na akong naghihintay sa kaniya. Nasa gilid ako ng resort kung saan kami nagkikita nang palihim. I messaged her pero walang reply.

Baka nga umuwi na 'yon. Nagbabakasakali na lang ako ngayon. O baka hindi talaga siya pumunta.

Kahit napakalakas ng ulan ay hindi ako umalis sa puwesto ko. Hindi ako aalis hanggat wala siya.

“Sir, ma'am, alis na ho muna kayo. Malakas ang hangin at maaaring magkaroon ng buhawi!”

“Delikado na rito, may nangyari nang masama, kaya umalis na kayo!”

Rinig ko sa mga taong nagkukumpulan. Nagtungo ako sa gawi nila para magtanong sana.

“Hijo, umuwi ka na. Bawal na rito!” Aniya.

Umiling ako. “Hindi pwede, may hinihintay po ako . . .”

"Sige na umalis na kayo! Alis na hijo!" Sigaw niya pa.

Tumalikod ako ngunit parang nanlambot ako sa narinig ng lalaki.

“Ito po ang nasisid namin sa dagat, ito rin ang ilan sa mga gamit niya na nahanap sa buhanginan . . .”Sabi niya sa tingin kong may-ari ng resort.

“Hindi na namin nahanap ang katawan. Ito na lang ang makapag-sasabi na babae ang nalunod.” Ipinakita niya ang pulseras.

Hindi puwede ‘yan. Putangina, ‘yan 'yong binigay ko sa kaniya ah. Bakit nakita nila ‘yan sa dagat. Nagsimulang tumulo ang luha ko.

Kinuha ko ang paper bag na hawak ng lalaki saka tiningnan kung anong laman. Wifi set ito na may papel.

Binasa ko ‘yon. . .

wag ka na nang magpa-load. you have this na :)

               -clevria <8

“Bakit hijo? Kilala mo ba 'yang babaeng iyan?” Tanong ng lalaki.

Hindi ako sumagot at binuhos ang luha. Tumakbo ako patungong dagat at nagsimulang sumigaw.

“Clevria, bumalik ka rito! Sabi mo dito ka lang! Nangako ka diba! Ano?!”

Ganoon na lang 'yon? Bakit siya nang-iwan? Hindi niya ba ako mahal? Wala lang ba ako sa kaniya?

“Clevria, ‘wag namang ganito oh . . . Nasasaktan na ako. S–Sabi mo diba, hindi ka aalis . . .”

Napaluhod ako at pinagpatuloy ang pag-iyak. Bakit siya pa? Pwede namang ako na lang...ako dapat.

Kulang na kulang ang panahon para sa aming dalawa. Hindi pa kami ganoon kasaya. Pinipilit kong mabuhay para sa ‘yo Clevria.

“Sabi mo, kahit ano para sa akin? Gusto kong dito ka lang!” I cried more. “Please, dito ka na lang. Bumalik ka na sa ‘kin.”

:/

Along SiargaoWhere stories live. Discover now