4

165 10 10
                                    

Klein's POV

Nagulat ako sa bigla niyang pagsara sa pinto. Nagpapa-accept lang eh.

“Olats, basted agad. Sakit,” bulong ko.

Hindi pa ako nakapag-thank you sa kaniya. Binigyan niya ako ng second life, nakaka-in love siya.

“Tagal mo, hanap ka na ni Boss.” sita sa akin ng ka-trabaho ko.

“Miss mo lang ako eh.”

“Bago ka pa nga lang dito, ganyan ka na umasta. Magtrabaho ka do'n!” sermon niya pa sa 'kin.

Kulang kasi 'yung kinikita ko bilang waiter sa resort, hindi sapat para yumaman ako. Kaya namasukan akong delivery boy diro, kahit hindi nila tinatanggap ang hindi nakapag-tapos nag pag-aaral, pinilit ko talaga. Ang hirap kayang maging mahirap, lalo na kung maraming kang pangarap sa buhay.

“Kung ako sa 'yo pare, mag-aral ka ulit. Para kahit papaano, magkaroon ka ng permanenteng trabaho,” sambit ng isa sa mga katrabaho ko na kaibigan ko rin.

“Mag-iipon muna ako, Jetro. Hahanap muna ako ng mauupahan, 'yung mababa lang ang singil.”

Nangungupahan lang din kasi ako para may matulugan, buong araw akong nasa labas kaya kahit maayos na tirahan lang para mahimbing ang pagtulog ko, okay na ako ro'n.

“Hay buhay... bakit hindi pa ako kunin ni Lord.”

“Gago, eh todo pasalamat ka pa nga sa second life mo. Kung gano'n lang rin naman, sana 'di ka nalang sinagip ni ate ganda!” Sabi niya sabay batok sa 'kin.

Oo nga, hulog siya ng langit. . .

Along SiargaoWhere stories live. Discover now