88

47 4 0
                                    

Trigger Warning: physical abuse

“Sige na ho sir, kailangan ko talaga ng trabaho ngayon. Kulang po kasi 'yong kinikita ko sa resort,” pagsusumamo ko kay boss na ngayo'y nasa harap ko.

Umiling siya. “Gusto kitang tulungan, pero sa sitwasyon mo at 'yong babaeng naging dahilan kung bakit nangyayari sa 'yo yan, hindi talaga pwede.”

Nalungkot ako. “Sir, kahit dishwasher na lang po.”

Hindi ako susuko. Wala na akong pambayad sa renta, halos hindi na rin ako nakakakain sa isang araw kaya kailangan ko ang trabahong ito.

“Kapag nalaman nila na sa akin ka nagta-trabaho, malaking problema 'yon sa negosyo ko. Kaya hindi kita matutulangan . . . ”

Lumabas ako ng restaurant na dala pa rin ang lungkot. Paano na 'to? Saan ako kakapit?

“Tol, diba siya ‘yon?”

“Gago, oo nga!”

Rinig ko sa grupo ng magkakaibigan. Sa gawi ko sila nakatingin kaya nagtataka ako dahil wala naman akong ginawa sa kanila.

"Lumpuhin na natin!"

Hindi pa ako naka-imik ay sinugod na ako ng mga binata. Sinuntok nito ang tiyan at sinipa ang tagiliran ko. Halos ako makagalaw dahil hawak ako ng isa sa kanila. Nakuha pa nitong mag-video.

Hindi ko sila mapatulan sa kadahilanang blanko ang utak ko. Ang nararamdaman ko lang ay sakit.

“Hey, stop that!”

Biglang umawat ang lalaking hinala ko'y foreigner. Agad namang tumakbo ang mga binata. Tumayo ako at inayos ang sarili, pinunasan ang dugo sa aking labi.

“Are you okay?” Tanong niya.

Tumango ako. “Salamat po”

Tinalikuran ko siya at umalis na. Habang tinatago ang luhang nais kumawala.

Along SiargaoWhere stories live. Discover now