"Ibig sabihin niyan ay mamaya na ang pagdating ng ibang army?" Biglang tanong nang nagsusulat.

Napatalikod ako agad sa kanila.

"Oo. Kaya maghanda na tayo dahil baka mamaya rin o bukas ay sumugod na ang Air Force dito."

Hindi ganoon kalakas ang pag-uusap nila pero sakto lang na naririnig ko.

"Oo nga. Lalo na at alam na nila na may representative na tayo. Siguradong gagawin nila ang lahat para mapatay ang mga representative natin."

Ano? Papatayin kami?

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Shems.

"Mabuti na lang at naka-isip agad ng paraan ang heneral, dahil kung mananatili lang ang mga estudyante rito, kawawa lang sila. Mas mabuti kung tayo na lang ang mamamatay na nakikipaglaban."

"Oo. Talagang kawawa ang mga estudyante ngayon. Wala silang kaalam-alam na susugurin na ang EGA kaya sila pupuntang Elemental Army Main Campus. At maaaring habang naglalaban-laban dito sa EGA, ay ginagawa ang seremonya sa kanilang moving up. Kaya ayaw ipagsabi ng heneral ang tungkol rito. Sana lang talaga ay hindi maging gaanong kalala ang magiging pinsala sa labanan."

"Kung malaman ng studyante na ang kanilang ama't ina, kaibigan, o kakilala ay nakipag laban dito habang sila ay nagseseremonya, siguradong may magagalit na estudyante kay heneral."

"Hindi nila masisisi ang heneral. Kapakanan lang nila ang iniisip ng heneral dahil alam nito na kapag malaman ng mga studyante na may labanang magaganap, siguradong magpipilit ang ilan sa mga ito na sumama sa laban dahil alam na nilang gumamit ng kapangyarihan."

"Oo nga pero siguradong talo lang sila. Hindi pa sila bihasa sa paggamit ng kapangyarihan. Mga estudyante pa lang sila at hindi pa ga-graduate."

"Andito ka na pala! Kanina ka pa namin hinihintay," biglang sabi ng ikatlong lalaki.

Dahan-dahan akong lumingon sa gawi nila. May isa pang lalaking army ang dumating.

"Nandiyan na ang mga mula sa Opaque Army para sa mamayang pagalis ng mga studyante," anito.

"Ay oo nga. Sila nga pala ang magdadala sa mga estudyante patungong Main Campus para hindi malaman ng mga Air Force na umaalis na pala ang mga estudyante at hindi nila masundan. Itatago sa dilim ang mga estudyante gamit ang kapangyarihan ng mga Opaque Army. At bukas na agad ang moving up. Grabe. Ang bilis talaga."

Wala talaga kaming kaalam-alam na may mabigat na mangyayari rito.

"Hay naku. Ipagdasal na lang natin na sana, payapang makarating doon ang mga estudyante at hindi nila malaman ang nagyayari. Dahil kung hindi, masisira ang plano ng heneral. Sana hindi maging gaanong kalaki ang maging pinsala sa labanang ating makakasagupa."

"Shh. Tama na yang usapan niyo. Baka may makarinig. Mabuti pa kung pumunta na tayo sa ating kaniya-kaniyang grupo para sa paghahanda," saway ng ikaapat.

Nanatili lang ako rito sa kinauupuan ko at halos hindi gumagalaw para hindi nila ako mapansin hanggang sa maakalis na sila.

Air Force. Susugod sila rito dahil gusto nilang mamatay kaming mga representative. Mga masasama sila! Inano ba namin sila?

Air Force. Jerson Redfox. Siya ang pumatay kay papa. Isa siyang Air Force.

Siguradong kasama siya sa susugod rito. Napangiti ako nang biglang may sumagi sa isip ko.

Haharapin ko si Jerson. Pagbabayaran niya ang ginawa sa papa ko.

May naiisip ako kung paano ko siya makakaharap. Ngunit sigurado akong napakadilikado. Walang kasiguraduhan kung anong kapalaran ko kapag nagkaharap kami. Lalo na't gusto niya akong mapatay noon.

"Uy, Altair. Yohoo."

Nabalik ako sa reyalidad at napatingin sa nasa harapan ko. Agad akong napatayo.

"Ta-Tapos na kayong mag-usap ni Esdeath?" Tanong ko.

"Oo," sagot niya. "Parang ang lalim ng iniisip mo ah."

"H-Ha? H-Hindi naman. I-Inaalala ko lang mu-mula nung mapunta ako rito hanggang ngayon. Ang bilis nating magmo-moving up," utal kong palusot at ngumiti kahit awkward.

"Ah. Oo nga. Pero hayaan mo na. Mas okay nga ito para tapos agad tayo sa academy na 'to, diba?" Nakangiti niyang sabi. "Oh tara na. Mag-impake na tayo."

Nang makarating kami aa dorm namin, agad kaming nagimpake. Ngunit sa buong oras mula nang makabalik kami, hindi mawala sa isip ko ang mga nalaman ko pati na rin ang biglaang nabuo kong plano.

Napatingin ako kay Eunice.

'Eunice, may mangyayari rito,' sabi ko sa isip ko na akala mo naman ay maririnig ni Eunice.

Gusto ko sanang sabihin sa kaniya mga nalalaman ko ngayon kaso baka magpanic siya o baka masabi niya sa iba o mas malala, sumama siya sa plinaplano ko at mapahamak siya. Shemay.

"Uy! Bakit ka nakatingin sakin ng ganyan?" Tanong niya sakin.

Natauhan ako. "H-Ha? Uhm... Pa-Pasensiya na. Lutang lang talaga ako. Parang gusto ko pa kasing matulog," palusot ko ulit.

"Pagkatapos nating mag-impake, pwede ka pang matulog. Mamaya pa namang 7pm ang pag-alis. Tapos naka-prepare na mga gamit natin na dadalhin kaya oks lang. Itulog mo muna yan," nakangiti niyang sabi.

Ngumiti at tumango lang ako sa kanya.

Sorry talaga, Eunice.

Gagawin ko ang plano ko kahit walang kasiguraduhan kung magagawa ko o hindi. Baka mapigilan lang ako ng mga army.

Patapos na ako sa pag-aayos ng gamit ko nang makita ko ang jacket na kulay abo.

Kay Lucian 'to. Di ko pa pala na isasauli sa kanya.

Naunang natapos mag-ayos si Eunice. Pumunta siya sa CR para maligo. Tiningnan ko ang mga gamit niya.

Agad akong kumuha ng papel at ballpen at may isinulat ako. Pagkatapos ay itinupi ko ng mabuti ang jacket ni Lucian. At dali-dali kung isiniksik sa bag ni Eunice. Sa may ilalim ko inilagay para hindi halata.

Bahala na. Hindi kasi ako sigurado kung maibabalik ko iyan ng personal. Kaya mas mainam na ang ganito.

***

6:40pm

"Altair. Tara na. Sa may quadrangle daw ang tagpo ng lahat," yaya sakin ni Eunice.

"Teka lang. Mauna ka na lang muna. CR pa ako. Tsaka may usapan kayo ni Esdeath diba?"

"Oo nga pala. Pero parang wala namang nai-announce na kailangan magkakaisa ang mga division."

"Sige na. Mauna ka na. Hinihintay ka na nun," sabi ko at kunwaring papunta na ako sa CR.

"O-Oh s-sige. Huwag kang magtagal pa ha."

"Oo!" Sigaw ko dahil nasa loob na ako ng CR.

Pagkalabas niya sa dorm dala ang mga gamit niya, lumabas ako ng CR. Palusot ko lang ang magsi-CR pa ako.

Huminga ako ng malalim. Ngayon na magsisimula ang plano ko.

Tama ba ginagawa ko? Malamang hindi. Pero gusto ko kasing makaharap ulit si Jerson. Sana talaga kasama siya sa mga susugod dito.

Napatingin ako sa nakasarang pinto ng dorm namin.

Sorry, Eunice. Di ko sinabi sayo ang totoo.

*****

Elemental Gunji-teki AcademyWhere stories live. Discover now