"Pumunta ka na lang sa admission. May kinausap na ako to help you," sabi ni Mommy sa akin ilang araw pagbalik naming sa Pilipinas.

"Mom, kaya ko pong asikasuhin mag-isa ang enrollment ko," giit ko sa kanya.

Inirapan niya lang ang hawak na phone kahit alam kong para sa akin ang pag-irap na 'yon.

"Just be thankful na hindi ka na mahihirapan. Ang dami mo talagang arte na bata ka," iritadong sabi niya bago niya ako tinlikuran para sagutin ang tawag.

Napabuntong hininga na lamang ako, I just don't like the idea of her using her connection and power para lang maging instant lang ang lahat ng bagay. Mas gusto ko pa ding maranasan ang paghirapan ang mga bagay na gagawin ko.

I'm just wearing a long Hermes skirt, a black fitted shirt, and paired it with a flat Dior slingback.

Lumabas ako ng bahay dala ang chloe woody tote bag ko together with my papers. Naghihintay na sa labas ng front door naming ang kulay puti kong convertible mini cooper. I know how to drive now, pero miss ko pa din si Kuya Wil.

Mommy told me na ipapatawag niya ulit si Kuya Wil to work with us.

Nag-drive ako papunta sa university para ayusin ang papers ko for the next school year. I'm incoming third year Engineering student, kahit naman kasi nasa America kami ay hindi naman ako huminto sa studies ko. Thanks to Mom and her connections.

"I'm sorry for the trouble po. But thanks s amabilis na pag-process ng papers ko," sabi ko sa isa sa mga staff ng admission office na kausap ni Mommy to help me.

"No worries, Ms. Salvador. We really look up to your family. Mr. Joaquin Escuel is a big part of the university foundations," she said kaya naman mas lalo akong nahiya.

Lolo is always present sa mga donation project, pero it's a bit awkward na you wanted to help tapos ay hihingi kami ng favor in return kagaya nito.

"Thanks again," sabi ko sa kanya.

Bago pa man ako makapag-paalam ay may humarang na sa amin na head ng isa pang university club.

"Ms. Ahtisia Salvador..." nakangiting tawag niya sa akin.

She is the head of the theather club. Alam nila ang mga achievements ko sa pagba-ballet noong nasa America kami.

"Ilan sa mga freshmen natin ay fan mo," she said na ikinagulat ko.

Hindi ko inakala na magkakaroon ako ng mga taong hahanga sa akin.

"I-I'll try..." alanganing sagot ko sa kanya.

Kabado ako, pero ayoko din naman na biguin sila lalo na't sinadya pa niya talaga ako to represent sa ballet club.

They want me to perform on stage sa first day ng class. Yung confident ko sa stage ay lumalabas lang pag alam kong walang kakilalang nanunuod sa akin sa audience. Pero ang mag-perform ngayon sa university kung saan maraming pamilyar sa akin ay parang nanlalamig ako.

"Excited sila nung malaman nilang kakausapin kita," she said.

Mariin akong napapikit bago wala sa sariling tumango sa kanya. I need to be professional too, I want also to be an inspiration sa mga ballerina na gustong maging Odette or maging Prima Ballerina.

Bago umuwi ay dumaan muna ako sa isang coffee shop para bumili ng mai-inom. Dumiretso kagaad ako sa poweder room to do my thing and a retouch.

"Ang bango...ask her," rinig kong bulungan ng mga babaeng kasabay ko.

Hindi ako nag-angat ng tingin, nanatili ang atensyon ko sa paghuhugas ko ng kamay. Hindi ko alam kung anong gusto nila, pero sa huli ay lumabas na lang din silang dalawa.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon